Diocese of Borongan, nagpahayag ng suporta sa kinasuhan na environmental defenders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,197 total views

Ipinahayag ng Diyosesis ng Borongan ang pakikiisa at suporta sa mga opisyal ng Barangay Casuguran at mga kasapi ng Homonhon Environmental Advocates and Rights Defenders (HEARD), na nahaharap ngayon sa kasong isinampa ng Emir Mineral Resources Corporation (EMRC).

Kabilang sa limang community leaders na kinasuhan ay sina Kerrilyn Rose Hombria, Dioniosio Bandoy, Jeremy Padilla, Nelson Badenas, at Ruben Badeo, kasama ang pangulo ng HEARD na si Carmi Macapagao.

Sa pahayag ng diyosesis, mariing iginiit na ang mga kinasuhan ay hindi mga kriminal kundi mga tagapangalaga ng kalikasan, tagapagtanggol ng buhay, at tinig ng mga walang tinig.

Ipinaglalaban ng mga lider at ng HEARD ang tinatawag na Area 12, isang lugar sa Homonhon na sagana sa likas na yaman at nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng malinis na tubig at biodiversity para sa mga pamayanan.

“We, the Church, have always stood with the poor, the marginalized, and those who defend God’s creation… Their unwavering defense of Area 12, which is not only rich in natural resources but also the lifeblood of the community’s clean water and biodiversity, is a true act of Christian stewardship,” ayon sa opisyal na pahayag ng Diyosesis ng Borongan.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang isinampang kaso ay hindi lamang simpleng legal na usapin kundi isang usapin ng katarungan.

Dagdag pa ng pahayag, ang paggamit ng batas upang patahimikin ang mga tagapagtanggol ng kalikasan ay isang anyo ng malubhang kawalang-katarungan na dapat tutulan ng lahat ng may pananampalataya at malasakit sa kapwa.

“May justice prevail. May creation be respected. May courage continue to rise in the face of fear,” dagdag ng diyosesis.

Matatandaang una nang kinondena ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang pagpapatuloy ng pagmimina sa Samar Island, at sa halip ay iminungkahi sa pamahalaan ang pagsusulong sa agri-ecological tourism.

Sa Laudato Si’, mariing tinututulan ng yumaong Papa Francisco ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 90,036 total views

 90,036 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 113,195 total views

 113,195 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 134,469 total views

 134,469 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 297,754 total views

 297,754 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 2,456 total views

 2,456 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top