PAHRA, ipaglalaban ang justice free for all

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,525 total views

Kinundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PAHRA Secretary-General Edgar Cabalitan, nakadidismaya ang naging desisyon ng Senado lalo’t higit ang mga Senador na bomoto kaugnay sa nasabing mosyon na mas piniling itago ang katotohanan mula sa sambayanang Pilipino.

Giit ni Cabalitan, malinaw para sa publiko ang mensahe ng desisyon ng Senado na mas piniling kampihan ang bise presidente sa halip na manindigan para sa katotohanan at katarungang panlipunan.

“For those senators who voted to archive the articles of impeachment, let it be clear. They have chosen to conceal the truth from the Filipino people… Malinaw ang mensahe sa mamamayan: ang mga senador na ito ay mas piniling kampihan si VP Duterte kaysa panindigan ang katotohanan.” Bahagi ng pahayag ni Cabalitan.

Paliwanag ni Cabalitan, hindi nagtatapos sa naturang desisyon ng Senado ang paninindigan ng mga mamamayan sa paghahanap ng katotohanan at pagnanais na mapanagot ang opisyal mula sa iba’t ibang kaso ng katiwalian sa kaban ng bayan na dapat na inilaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Nanindigan din ang PAHRA na magpapatuloy ang pakikibahagi nito sa laban para sa katotohanan at pananagutan kung saan dapat na maging bukas at abot ng lahat ang katarungan at hindi kontrolado o nahahadlangan ng mga nasa kapangyarihan.

“This is not the end of the road for the truth to come out… But it should never be this hard for Filipinos to seek justice. They should not have to fight tooth and nail for accountability. Justice must be a right freely available to all, not a privilege decided by political will.” Dagdag pa ni Cabalitan.

Samantala, una na ring nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa maituturing na pagtataksil ng Senado sa taumbayan at nanawagan na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng bansa upang magampanan ang kanilang tungkulin para sa pangkabuuang kabutihan ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,925 total views

 26,925 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,276 total views

 55,276 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 123,006 total views

 123,006 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,157 total views

 146,157 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,372 total views

 214,372 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top