Taumbayan, pinagtaksilan ng Senado-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,042 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pinagtaksilan ng Senado ang taumbayan sa pagkakait ng katarungang panlipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, kasunod ng naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Obispo, ang pagkakait ng Senado na ituloy ang imbestigasyon sa pananagutan ng bise presidente sa mga alegasyon ng katiwalian sa kaban ng bayan ay pagkakait ng katarungan sa lipunan at isang tahasang pagtataksil sa mga mamamayan.

“Betrayed tayong mga mamamayan, justice was denied on us sa issue ng accountability.” Bahagi ng pahayag ni Bisho Bagaforo sa Radyo Veritas.

Dismayado rin si Bishop Bagaforo -na siya ring tagapangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, sa kabiguan ng mga Senador na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang impeachment court kung saan matatandaang una ng nanumpa ang mga ito bilang mga Senator Judge.

Ayon sa Obispo, sa halip na unahin at pakinggan ng mga Senador ang sigaw ng taumbayan para sa katotohanan at pananagutan ay tinalikuran ng Senado ang kanilang tungkulin bilang mga hukom ng impeachment court sa pagtanggap sa mosyon ni Senator Rodante Marcoleta.

“Very disappointing, kasi we expected na sana yun impeachment court ang nag decide on the case at hindi yun upper house. Remember na they have taken their oath as judges already? I think to entertain the motion of Marcoleta was out of order. They have remissed their solemn duty to heed the call of the people.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa kabila nito, nanawagan ang Obispo sa taumbayan na manatiling gising at patuloy na manindigan sa pananawagan ng pananagutan sa pamahalaan lalo na’t maaari pang muling buhayin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, napapanahon na maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa pasusuri, pagninilay at paninindigan sa kabutihan at kapakanan ng bayan kasabay ng pagtiyak na maisulong ang pananagutan mula sa mga tiwaling opisyal ng bansa.

“The case was “archived”, pwede pang buhayin! Kaya panawagan natin sa sambayanan na manatiling Gising! Ipatuloy nating iparating at ipaglaban sa pamahalaan ang ating Tinig! Now is the time to reflect (see), judge, and Act!”paglilinaw ng Obispo

Giit ng Obispo ang pag-archive ng Senado sa impeachment laban sa bise presidente ay hindi lamang usaping legal kundi isa ring usaping moral dahil sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan.

Matatandaang, Miyerkules ika-6 ng Agosto, 2025 matapos ang ilang oras na debate ay nanaig ang boto ng mayorya ng mga senador sa botong 19-4-1 pabor sa “motion to archive” sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 4,457 total reads

 4,457 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 40,959 total reads

 40,959 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 261,579 total reads

 261,579 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 296,249 total reads

 296,249 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 311,877 total reads

 311,877 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 52,998 total reads

 52,998 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top