Buwan ng Nobyembre, itinalaga ng Radio Veritas na pag-alala, pagkilala at pananalangin sa mga yumao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total reads

Tiniyak ng Kanyang Kabanalan Francisco ang panalangin para sa lahat ng mga yumao at pagiging kaisa sa mga pamilyang dumadalaw sa mga puntod.

Ito ang mensahe na ibinahagi ni Pope Francis sa Angelus sa St. Peters Square sa Vatican nitong All Saints Day.

Dinalaw ng Santo Papa ang French Military Cemetery sa Roma kung saan nag-alay ito ng panalangin at pagbabasbas sa mga puntod.

“It will be an opportunity to pray for the eternal repose of all the deceased, especially for the victims of war and violence. In visiting this cemetery, I join spiritually with all those who during these days go to pray at the tombs of their loved ones, in every part of the world,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Sa Pilipinas naglunsad ang media office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng ‘Undas Online’ para tulungan ang mamamayan na hindi makadadalaw sa mga sementeryo makaraang ipag-utos ng pamahalaan ang pagsara sa ikalawang pagkakataon upang maiwasan ang pagdagsa ng mamamayan na pinangangambahang maging super spreader ng COVID-19.

Hinimok din ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang bawat pamilya na magbuklod sa pananalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay at dumalo ng banal na misa sa mga simbahan sa halip na dumalaw sa mga puntod.

Kaisa rin ang Radio Veritas sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan ngayong sarado ang mga sementeryo sa bansa para sa pag-alay ng panalangin sa mga yumao.

Itinalaga ng himpilan ang buong buwan ng Nobyembre para sa paggunita ng mga pumanaw sa pamamagitan ng ‘Pag-alalla, Pagkilala at Panalangin’ kung saan maaring magpamisa at magkaroon ng E-Masscards para sa namayapang mahal sa buhay.

Maaaring makipag-ugnayan kay Renee Jose ng Religious Department sa telepono (02) 9825-7931 hanggang 39 local 129 o sa cellphone 0917-631-4589 para sa karagdagang detalye.

Kaugnay dito pinalawig ng Vatican ang plenary indulgence na matatanggap ng mananampalataya sa pagbisita sa mga yumao gayong maraming lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas na restricted ang pagpunta sa mga sementeryo.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,164 total reads

 17,164 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,409 total reads

 81,409 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,197 total reads

 118,197 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,771 total reads

 148,771 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,412 total reads

 198,412 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 260,010 total reads

 260,010 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 53,798 total reads

 53,798 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top