Cardinal Advincula, pinag-iingat ang mamamayan sa Delta variant ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Hinimok ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa at maging handa sa patuloy na hakbang sa pagsugpo ng kumakalat na Delta variant ng coronavirus.

Sa panayam ng Radio Veritas, ibinahagi ni Cardinal Advincula na mahalaga ang pagsunod ng mamamayan sa mga alituntunin ng mga health experts lalo’t mapanganib ang Delta variant ng virus.

“Mayroon tayong threat ngayon especially sa Delta variant, kailangan na mag-prepare tayo para hindi mag-spread masyado itong vicious na Delta variant,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Kinilala ng Arsobispo ang paghahanda na ginawa ng pamahalaan lalo na ang pagbalanse sa mga alintuntuning ipatutupad upang manatiling gumalaw ang ekonomiya ng bansa at hindi labis maapektuhan ang mamamayan partikular na ang mga daily wage earners.

Dahil dito, muling hinikayat ni Cardinal Advincula ang mamamayan na magpabakuna laban sa virus bilang paunang hakbang at pananggalang na maiwasan ang malalang epekto ng COVID-19.

“Magpabakuna tayo, although sabi ng mga experts na hindi ito assurance na hindi na magka-COVID pero kung mahawaan man it seems na hindi serious or as severe yung ating kondisyon compared sa mga hindi nagpabakuna,” ani ng Cardinal.

Ayon sa tala ng Department of Health, nasa 1.5 milyon ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kabilang na ang 216 na kaso ng Delta variant.

Dahil sa tumataas na kaso ng delta variant sa Pilipinas, muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region mula Agosto 6 hanggang Agosto 20 batay na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto upang mabantayan ang paggalaw ng mga tao.

Panawagan ng Cardinal sa mga hindi pa nakatanggap ng bakuna na manatili na lamang sa mga bahay kung walang mahalagang pupuntahan upang maiwasan ang pagkahawa at makatulong sa pagpigil ng pagdami ng kaso.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga simbahan na mahigpit sundin ang safety health protocol para sa kaligtasang pangkalusugan ng magsisimba.

“Observe strictly the recommended health and safety protocols tulad ng pag-check ng temperature, pagsusuot ng facemask at face shields, paglalagay ng alcohol, social distancing then disinfection sa mga simbahan after each use,” saad pa ng Cardinal.

Samantala patuloy namang ipinapanalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ang mga naglilingkod sa pagamutan at kumakalinga sa mga may karamdaman.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,269 total reads

 12,269 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,493 total reads

 13,493 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,919 total reads

 27,919 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,297 total reads

 65,297 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,567 total reads

 96,567 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,018 total reads

 172,018 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,890 total reads

 264,890 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,271 total reads

 12,271 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top