Cardinal Tagle Homily – Misa ng Bayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Homilya ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Kardinal Tagle sa Misa ng Bayang Pilipino, para sa ikatlong araw ng Philippine Conference on New Evangelization – July 20, 2018, Pasay City.

Sabi ko po kanina mahaba-haba na yung nasabi ko, wala nang homilya, e umupo kayo e.

Pero, huwag ho kayong mag-alala, maghapon na po tayong nakinig, maghapon pong nabuksan ang ating mga puso, at sa iba parang na warak pa nga ang puso. Maghapon tayong umiiyak, maghapon tayong nagkantahan, nagsayawan, maghapon po tayong napagod. Pagod ba kayo? Ako lang pala.

Pero maganda po na nagtatapos ang ating araw, nagdiriwang tayo ng Eukaristiya sa diwang Pilipino at ang ating mga pagbasa tungkol sa Diyos na mayroong kakayahang dumama, pasukin ang sakit ng iba. At yun ang masmahalaga kaysa sa Kan’yang mga batas. Ang pangunahin N’yang batas ay ang pag-ibig. At kung ang pag-ibig, ang s’yang magliligtas, aahon sa tao yon ang Kan’yang susundin. At sa ebanghelyo nagtatagpo lahat ang habag ng Diyos kay Hesukristo.

Mga kapatid, walang saysay ang ebanghelisasyon kung hindi tayo uuwi kay Hesus. Pagkilala kay Hesus, kay Hesus na mukha, kamay, labi, puso ng Diyos. Si Hesus na higit pa sa templo, si Hesus na higit pa sa batas ng Sabbath, si Hesus na nagsasabing “Ako ang magbibigay ng kapahingahan sa iyo. Lumapit kayo, kayong mga napapagal, kayong mga nabibigatan at kayo’y Aking bibigyan ng kapahingahan.” Kung wala po ang ating pagkilala kay Hesus, ewan ko kung tunay ngang mamamayani ang habag kaysa sa hain. Iyan ang gusto N’ya, habag hindi hain, pero yun ay mapapasok natin kung tayo’y lalapit sa Kan’ya, sya ang ating Sabbath, S’ya ang ating kapahingahan. Kaya po lahat ng narinig natin, lahat ng ating nginitian, tinawanan, lahat ng ating iniyakan, lahat ng ating pinalakpakan, lahat po ng ating iniindak, lahat po ng kinasakit ng baywang, at tuhod, dalhin kay Hesus.

Tanungin natin ang ating sarili mamaya pag-uwi, saan ko natagpuan si Hesus? Papaano S’ya nag pakilala sa akin at papaano N’ya ako dinadala sa Kan’yang puso? Sa Kan’ya meron tayong kapahingahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,439 total reads

 38,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,719 total reads

 264,719 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,184 total reads

 158,184 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,215 total reads

 252,215 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,628 total reads

 294,628 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,380 total reads

 34,380 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,277 total reads

 27,277 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top