Pilipinas, Kahiya-hiya sa Deportation ni Sister Fox

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Nakalulungkot at kahiya-hiya ang Pilipinas sa pinal na desisyon ng Bureau of Immigration na ipadeport si Sr. Patricia Fox, NDS.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission hindi katanggap-tanggap ang pagtrato ng Bansa sa Misyonerong dayuhan na tumutulong sa mga katutubo at mahihirap.

“This is a Very Sad Development talagang hindi ito mabuti. I am Ashame of the Government.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Bastes na nakumpirma ang hinala ng mga Obispo, at ilang Lider ng Simbahan sa bansa na inuusig ng pamahalaan ang mga taong pumupuna sa pamamalakad ng kasalukuyang Administrasyon.

Sinabi ng Obispo na sa mahigit 27 taong paninirahan ni Sr. Fox sa Pilipinas, Mabuti ang pakikitungo at paglilingkod ng Madre sa mga lumad sa nakararanas ng mga pangmamaliit, pang-aapi at pinprotektahan ang mga inaabuso ang karapatang pantao.

“We know that Sr. Fox is a very good missionary that she has live in the Philippines in the longtime especially for the lumads, the natives, and we know that she symphatizes for the defense of the human rigths of the Lumads.” dagdag ni Bishop Bastes.

Ibinahagi ng Obispo na maraming mga katutubo ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan para sa kaligtasan na nakararanas ng panggigipit mula sa mga Sundalo dahil itinuturing itong kasapi ng Komunistang grupo o ng New People’s Army.

Hinala ng Obispo na mga malalaking Kumpanya ng Mina ang humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na akusahan ang mga lumad na bahagi ng makakaliwang grupo upang makuha ang kanilang lupa para sa pagmimina.

“This mining companies are urging the President accuse this lumads being Communists or being Leftists because they have bad intention of occupying their land.” ayon kay Bishop Bastes.

Inihayag ni Bishop Bastes na ito ang kauna-unahang kaso ng pagpapaalis ng misyonero ng simbahan na tumutulong para sa ikabubuti ng mamamayan sa bansa.

“It’s a crime to deport someone who is doing good for our people of the country.” pahayag ni Bishop Bastes

Tiniyak ng Obispo na kaisa ng mga Obispo sa Pilipinas, mga Pari at Relihiyoso ay ipaglaban nito ang karapatan ni Sr. Patricia Fox, NDS.

Ika – 19 ng Hulyo nang inilabas ng Bureau of Immigration ang Desisyon kaugnay sa kasong Deportasyon laban sa 71 -taong gulang na Misyonerong Madre dahil sa Akusasyong pakikisangkot sa mga Political Activities sa bansa.

Noong ika – 18 ng Hunyo ng kinatigan naman ng Department of Justice ang apela ni Sr. Fox na salungatin ang naunang desisyon ng Immigration na paalisin na ito sa Pilipinas at pagkansela sa Missionary Visa ng Madre.

Nauna nang iginiit ng Simbahan Katolika na ang pagtulong ni Sr. Fox sa mga katutubo sa bansa ay bahagi ng pagtupad sa misyon ng Simbahan na kalingain ang mga nangangailangan, naaapi at mga naaabuso ang karapatang pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,191 total reads

 125,191 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,313 total reads

 262,313 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,089 total reads

 378,089 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,378 total reads

 493,378 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top