Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Nagpahayag ng pag-aalala at kahandaan na tumugon o tumulong si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong.

Ayon kay Rev. Father Ricardo Valencia, Disaster Risk Reduction and Response Ministry head ng Archdiocese of Manila, nababahala si Cardinal Tagle para sa mga lugar na maaaring makaranas ng pananalasa ng bagyo kaya nais nitong malaman ang mga paghahanda na ginagawa ng bawat Diyosesis.

Sinabi ni Father Valencia na nais ni Cardinal Tagle na maging handa at pro-active ang Archdiocese ng Manila.

“The Cardinal is very much concern as of this moment, he’s looking for updates sa mga lugar na tatamaan ng bagyo and he wants us to be ready for immediate and pro-active response” ani Fr. Valencia,

Umaasa si Father Valencia na magiging maagap ang mga Diyosesis at maging kongkreto ang komunikasyon sa pagitan ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahan.

Nagpahayag din ng katiyakan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton Pascual ng pagtulong sa mga maapektuhang Diyosesis.

“Let’s informed all the SAC [Social Action Center] Directors affected by the typhoon that we are ready to help” mensahe ni Fr. Pascual.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Batanes Bishop Danilo Ulep sa ginagawang pagkilos ng Simbahan at pag-aalala sa kanilang kalagayan.

“Salamat ng marami sa concern. Right now we are closely in touch with the LGU in regard to our preparation, our lay leaders are likewise ready” pahayag ni Bishop Ulep.

Nagpahayag na rin ng pagkilos ang Archdiocese of Tugegarao sa Cagayan, Diocese of Ilagan sa Isabela, Diocese of Laoag sa Ilocos Norte at Apostolic Vicariate of Tabuk sa Kalinga at Apayao.

Kasalukuyan tinatahak ng Bagyong Ompong ang direksyon pa kanluran at inaasahang mananalasa sa Northern at Extreme Northern Luzon.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 8,334 total reads

 8,334 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 15,071 total reads

 15,071 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,849 total reads

 130,849 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 251,428 total reads

 251,428 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 300,948 total reads

 300,948 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 122,912 total reads

 122,912 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top