Caritas Asia, humanga sa Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Nagpaabot na paghanga ang Caritas Asia sa mga programa at gawain ng Caritas Philippines bilang social action arm ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Sa online program ng Caritas Philippines na Caritas News On The Go, inihayag ni Caritas Asia Regional Coordinator Zar Gomez ang pasasalamat sa pangangasiwa at mainit na pagtanggap ng Caritas Philippines sa mga kinatawan ng 25-member organizations na Caritas Asia para sa apat na araw na regional meeting mula ika-18 hanggang ika-21 ng Hulyo, 2022 na isinagawa sa Tagaytay City.

Ayon kay Gomez, nawa ay maipagpatuloy ng Caritas Philippines ang magagandang programa nito lalo na para sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Maraming maraming salamat and we really hope that you continue your good works because actually Caritas Philippines is also one of the leading Caritas organizations in Asia, leading in a sense that to do have a lot of programs, you do have a lot of good people if not all of them are good people so congratulations on that,” ang bahagi ng pahayag ni Caritas Asia Regional Coordinator Zar Gomez.

Pagbabahagi ni Gomez, sadyang kahanga-hanga at maituturing na inspirasyon ang mga programa ng Caritas Philippines na itinatampok hindi lamang para sa mga kasaping bansa ng Caritas Asia kundi maging sa Caritas Internationalis.

Ayon kay Gomez, bilang isang Pilipino ay personal niyang ikinagagalak ang pambihirang pagtingin ng mga kasaping bansa ng Caritas Asia at Caritas Internationalis sa mga magagandang programa at gawain ng Caritas Philippines para sa mga nangangailangan sa Pilipinas.

“Keep up the good work and continue to inspire the other member organizations in Asia, your works is actually an inspiration to the region because many of the works of Caritas Philippines are being featured in not just the region in Asia but also in Caritas Internationalis level, so that alone being myself a Filipino is already a source of pride for us,” dagdag pa ni Gomez.

Sinabi ni Gomez na mahalagang maipagpatuloy ng Caritas Philippines ang mga magagandang programa nito hindi lamang upang mabigyan ng kagyat na tulong at ayuda ang mga nangangailangan sa oras ng kalamidad at sakuna kundi upang mabigyan din ng boses ang mga ito sa lipunan.

“Continue the good works, continue journeying with the people in communities in the Philippines particularly and ensuring that their voice are heard globally, nationally or even at the regional level in Asia,” ayon pa kay Gomez.

Bahagi ng layunin ng isinagawang regional meeting ng Caritas Asia ay upang higit na mapalakas at mapatatag ang kakayahan at maging ugnayan ng social action arm ng Simbahang Katolika sa Asya lalo na sa pagtugon sa iba’t ibang mga sitwasyon tulad ng kalamidad, sakuna at maging ang patuloy na malawakang krisis na idinulot ng pandemya.

Ang Caritas Asia ay binubuo ng 25-member organization sa rehiyon na nagsisilbing tagapangasiwa ng mga social action centers ng Simbahang Katolika sa Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 191,205 total reads

 191,205 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 261,655 total reads

 261,655 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 295,104 total reads

 295,104 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 330,404 total reads

 330,404 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 549,210 total reads

 549,210 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top