Caritas Film Festival, ilulunsad ng 9 na diocese na naapektuhan ng Bagyong Yolanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total reads

Magkakaroon ng kauna-unahang Caritas Film Festival ang 9 na dioceses sa Visayas kaugnay ng paggunita sa ika 3 anibersayo ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Jing Rey Henderson, senior communications officer ng NASSA-Caritas Philippines, ang mga pelikula ay ginawa ng 9 na dioceses kung saan ang kikitain sa proyekto ay itutulong din sa mga biktima ng Bagyong Lawin sa Batanes at iba pang diocese na biktima kamakailan ng bagyo.

“Magkakaroon din ng First Caritas Film Festival, kung saan sa January ang mga pelikula na ginawa ng 9 na diocese ay magkakaroon ng national road show para sa fund raising para sa ating mga kababayan sa Batanes at iba pang nasalanta ng Bagyong Lawin. Sharing also ng Yolanda affected dioceses sa ibang diocese na nasalanta ng bagyo, it’s their way of giving back yung mga tinanggap nilang tulong,” ayon pa kay Henderson.

Kaugnay nito, ayon pa kay Henderson, abala ngayon buong araw ang 9 na dioceses mula sa Visayas dahil sa iba’t-ibang aktibidad na sinimulan sa isang Misa.

Ayon kay Henderson, 7:30 ngayong umaga, isang Commemorative Mass ang isinagawa sa mass grave site sa Tanauan Plaza sa Leyte na pinangunahan ni Palo archbishop John Du at NASSA-Caritas Philippines national director archbishop Rolando Tria Tirona.

Dumalo rin sa Misa ang mga Social Action Center directors ng 9 na diocese, buong clergy ng Palo archdiocese, Local Government Units at ibat-ibang komunidad.

Matapos ang Misa, magkakaroon ng Caritas partners round table events sa Palo kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng team ng Caritas Internationalis at iba’t-ibang organisasyon upang pag-usapan ang mga data ng transition at sustainability plan.

“7:30 am may commemorative mass sa Tanauan Plaza Leyte, isang mass grave site, dinaluhan ng 9 na dioceses sac directors, buong clergy ng archdiocese ng Palo, may LGUs, at 20 communities na sinerbisyuhan mula sa Palo…9am, may caritas partners round table event sa Palo, ang usual Caritas Country Forum, magkakaharap-harap ang mga team ng Caritas Internationalis and organization kasama ang mga LGUs. After matapos ng Haiyan, paano na ang mangyayari sa data, transition plan, sustainability plan, dito rin pag-uusapan, nasa 166 communities ang dumadalo, ano nangyari sa kanila after ng transition po exit sa kanila, inihahanda natin ito para tiyakin ang link ng rehabilitation and development…” pahayag ni Henderson sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag ni Henderson, maliban sa photo exhibit, may awarding ceremony ring magaganap sa hapon kung saan 27 community leaders at members ang kikilalanin ang kanilang nagawang kabayanihan sa ginagawang pagbangon ng kanilang lugar kasama na ang pagbibigay ng pondo sa 2 barangay para sa kanilang community based-project proposal.

“May 27 community leaders and members na nakitaan natin ng heroism all throughout ng 3 year implementation, kikilalanin sila, then may awarding din, may funding grant na ibibigay sa 2 community worth P250,000 para sa kanilang community-based project proposal upang matiyak din natin na alam ng communities paano gumawa ng project proposal at paano mag-link para makahanap ng pondo, pag-uusapan din ang people’s survival fund paano ito i a-access, paano ang registration accreditation ng mga community based organization doon sa mga government agencies at kung ano-ano pa kasama na ang photo exhibit,” ayon pa kay Henderson.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,055 total reads

 233,055 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,786 total reads

 264,786 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,610 total reads

 366,610 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,173 total reads

 407,173 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,214 total reads

 418,214 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 282,735 total reads

 282,735 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 399,098 total reads

 399,098 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top