Caritas Manila, nakahanda sa anumang kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila, social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ang kahandaan sa anumang kalamidad o sakunang maaring manalasa sa bansa partikular na tuwing huling bahagi ng taon.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Ric Valencia – Priest-In-Charge ng Caritas Manila Damayan sa pinangangambahang pananalasa ng paparating na bagyo na may international name na “Hagibis” sa karagatang sakop ng bansa.

Ayon sa Pari, laging nakahanda ang Caritas Manila Damayan na tumugon sa iba’t-ibang uri ng kalamidad at sakuna sa bansa.

“sa Caritas Manila tayo ay lagi namang naghahanda para sa anumang mga sakunang dumarating sa ating bansa, itong last quarter of the year dito natin nararanasan lagi ang mga mabibigat na kalamidad dala ng iba’t-ibang natural and man-made kaya’t ang Caritas Manila ay inaasahan na maghanda lagi sa mga ganitong panahon…” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa monitoring ng PAGASA Weather Forecasting Center, mababa na ang tiyansa na pumasok ang naturang bagyo sa karagatang sakop ng bansa na huling namataan sa layong 2,020-kilometro Silangan ng Hilagang Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 245-kilometro kada oras.

Patuloy rin itong kumikilos sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Gayunpaman sakaling muling lumihis ng direksyon at pumasok ng Philippine Area of Responsibility ay tatawagin itong Bagyong Perla na ika-16 na bagyo mula sa karaniwang higit 20-bagyo kada taon.

Umaapela naman tulong sa mga mananampalataya si Fr. Valencia upang makalikom ng sapat na pondong kakailanganin sa paghahanda sa mga kalamidad at sakunang maaring manalasa sa bansa.

Sinabi ng Pari na mahalagang makalikom ng sapat na pondo ang Caritas Damayan upang makapaghanda ng relief goods para sa mga maaring maapektuhan ng kalamidad.

“Sa panahon din na ito kami ay masidhing nanghihingi ng anumang maitutulong ng ating mga kapanalig o kababayan para naman sa paghahanda ng paparating na mga kalamidad sa ganitong panahon, welcome ho ang lahat na magpadala ng tulong dahil yung mga nakahanda naming mga relief ay intended po iyon para sa iilang kalamidad lang, ang problema kasi kung minsan ay marami at sunod-sunod at of course kailangan nating punuan ang buffer stock natin dito sa Caritas Manila…”panawagan ni Fr. Valencia.

Bukod sa Caritas Manila una na ring tiniyak ng mga Social Action Centers na nakahanda ang Disaster Risk Reduction Response ng bawat ng Simbahan upang tulungan ang mga nangangailangan at maaring mga maapektuhang residente ng mga kalamidad at sakuna.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng Simbahan sa publiko para sa pangangalaga ng kalikasan kung saan nasasaad sa Ecyclical Letter ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si na babalik lamang sa tao ang sakunang maaring idulot ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 22,602 total reads

 22,602 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 61,325 total reads

 61,325 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 96,625 total reads

 96,625 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 322,894 total reads

 322,894 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 214,820 total reads

 214,820 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top