Opisyal ng CBCP nalungkot sa pagpapasara ng Lumad schools sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 393 total views

Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpasara sa mga eskwelahan ng mga kabataang lumad sa Mindanao.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, dapat pinag-aralang mabuti ng Department of Education(DepEd) ang hakbang bago nagdeklarang ipasara dahil maraming kabataan ang maapektuhan.

“Nalulungkot ako sa DepEd na pinasara ‘yung eskwelahan instead of making an effort na i-improve itong system ng education,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Mallari na kailangang tulungan ng pamahalaan ang mga eskwelahan ng Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI) na maabot ang batayan at alituntunin na hinihingi ng gobyerno.

Batay sa desisyon ng DepEd region 11 makaraan ang pagsusuri ng five-man fact finding team, hindi ang alegasyon ng ugnayan sa makakaliwang grupo ang dahilan upang ipasara ang 55 eskwelahan ng mga lumad.

Ilan sa lumabas na sanhi ng pagpasara ay ang bigong pagsunod sa curriculum standard na ibinigay ng DepEd 11, paggamit sa mga estudyante sa paglikom ng pondo sa pamamagitan ng pagtatanghal sa ilang mga lugar sa rehiyon na walang sapat na pahintulot sa mga magulang na malinaw na paglabag sa Child Protection Policy ng DepEd.

Lumabas din sa pagsusuri na hindi pasado sa Licensure Examination for Teachers ang mga gurong nagtuturo sa mga eskwelahan, ang operasyon ng mga eskwelahan ay napapaloob sa mga ancestral domain ng katutubong komunidad na ipinag-uutos sa Free and Prior Informed Consent at kawalan ng certification precondition mula sa National Commission on Indigenous Peoples.

Ayon pa kay Jenelieto Atillo, tagapagsalita ng DepEd 11, sa 55 eskwelahan ng STTICLCI na kumuha ng permit sa school year 2019-2019, 28 lamang dito ang kumuha sa mga susunod na taon.

Nilinaw ni Bishop Mallari na bagamat may mga kakulangan ay nakatutulong pa rin ang nasabing mga eskwelahan sa edukasyon upang matuto ang mga kabataang katutubo.

“Atleast may natutuhan ang bata kaysa naman sa isasara wala nang eskwelahan na tutulong sa education ng mga bata,” ani ni Bishop Mallari.

Binigyan diin ng Obispo na mahalaga ang edukasyon sapagkat makatutulong itong mapaangat ang pamumuhay ng mamamayan at makamit ang tagumpay ng kabataan.

Mensahe ni Bishop Mallari sa mahigit 1, 000 apektadong kabataan na manatiling positibo sa kabila ng pagpasara ng kanilang mga eskwelahan at patuloy mangarap sa buhay.

“Dasal ko para sa kanila na magkaroon sila ng tibay, buo at lakas ng loob na tumayo dito sa sitwasyon na mabigat para sa kanila yung pagkakasara ng kanilang eskwelahan,” saad ng obispo.

Umaasa si Bishop Mallari na hindi ito ang wakas tulad ng kasabihan na may bintanang binubuksan ang Panginoon sa bawat pintuang isinasara upang higit pang mapalago ang buhay ng isang tao sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap.

“I hope itong sitwasyong ito ay hindi maging daan para panghinaan sila ng loob at mawalan ng pag-asa kundi maging daan para lalong lumaki ang pag-asa,” sinabi ni Bishop Mallari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 114,345 total views

 114,345 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 238,756 total views

 238,756 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 278,740 total views

 278,740 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 352,301 total views

 352,301 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top