Digital Farmers program, binatikos ng UMA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,209 total reads

Kinundena ng grupo ng magsasaka ang programa ng pamahalaan katuwang ang pribadong kompanya dahil hindi ito nakatutulong sa sektor ng pagsasaka.

Ayon kay Antonio Flores, chairman ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), patuloy pa rin ang pamamayagpag ng malalaking plantasyon na pag-aari ng mga pribadong indibidwal.

“Inutil na programa ng gobyerno samantalang patuloy ang paglago at paglawak ng mga plantasyon,” mensahe ni Flores sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Flores ang Digital Farmers Program ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute katuwang ang Smart Communications na layong palakasin ang produksyon ng mga magsasaka at mabilis na pagbenta ng kanilang mga produkto gamit ang digital platform.

Ipinaliwanag ni Flores na ang kawalang interes ng kasalukuyang henerasyon sa pagsasaka ay bunsod ng kawalang sapat at wastong programang pang-agraryo upang mapanatili at maipamahagi sa mga magsasaka ang mga lupang sakahan.

“Ayon sa Department of Agriculture hindi na interesado sa pagsasaka ang mga anak ng magsasaka; pero ito ay dahil sa walang tunay na programang pang-agraryo,” ani ni Flores.

Sa nasabing programa ng DA-ATI tuturuan ang mga magsasaka at kabataan ng phone photography, at videography na may kaugnayan sa agrikultura.

Bukod pa rito ang pagsasanay sa mobile agriculture, financial services, moile e-money, micro credit at iba pa. Ayon sa DA ang programang ito ay pagpapalago sa sektor ng agrikultura sa makabagong teknolohiya batay sa Internet of Things (IoT) program ng gobyerno.

Ang pahayag ng UMA ay kaugnay na rin sa pagdiriwang ng buwan ng mga Magsasaka ngayong Oktubre bilang paggunita sa Presidential Decree No. 27 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos halos 5 dekada na ang nakalipas.

Sa ilalim ng PD 27 bibigyang kalayaan ang mga magsasaka sa lupang kanilang sinasaka at mailipat ang pag-aari sa kanilang pangalan subalit.

Nanindigan ang UMA na hindi makatotohanan ang nilagdaan ng administrasyon Marcos at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuna ng grupo ang tila kawalang pagpapahalaga ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura lalo’t naghihirap ang mga magsasaka bunsod ng labis na pagbaba ng farmgate price ng palay sa 7 piso ang kada kilo dahil sa pagdagsa ng inangkat na bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Sa mungkahi ni Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc marapat suriin ng pamahalaan ang tunay na sitwasyon ng sektor ng mga magsasaka at gawing kooperatiba ng kanilang sektor ang National Food Authority.

Read: NFA, gawing kooperatiba ng mga magsasaka.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 18,533 total reads

 18,533 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 57,575 total reads

 57,575 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,875 total reads

 92,875 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 319,144 total reads

 319,144 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 211,418 total reads

 211,418 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top