Caritas Manila RJ Ministry, nababahala sa kaligtasan ng mga bilanggo sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

May 9, 2020, 3:15PM

Umaasa si Caritas Manila Restorative Justice Ministry Program Coordinator Sr. Zeny Cabrera na naibibigay ng Bureau of Jail Management and Penology o B-J-M-P ang pangunahing pangangailangan ng mga bilanggo sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019.

Ayon sa Madre, mahalaga na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain, malinis na tubig, bitamina, alcohol at gamot ang mga bilanggo upang matiyak ang kanilang kapakanan at kalusugan mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Sr. Cabrera na kailangang mapalakas ang katawan at resistensiya ng mga bilanggo na lantad na mahawaan ng mga sakit sa sobrang siksikan sa mga bilangguan.

“We hope na patuloy na mabibigyan sila ng material supply, goods na kailangan, mga vitamins ganyan, kailangan talaga sa mga prisons and jails dahil hindi sila makakakilos ng free, yung pagpapadala ng gamot, vitamins, water, alcohol yun mga kailangan yun…”pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang ibinahagi ng Madre ang pangamba at takot ng mga bilanggo dahil sa kawalan ng naangkop na espasyo sa loob ng kulungan upang magkaroon ng social distancing o physical distancing na isa sa mga ipinapayo ng mga eksperto upang maiwasan ang COVID-19.

Hinimok din ng Madre ang panumuan ng B-J-M-P at Department of Justice na tutukan ang pagsasaayos ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) na magsisilbing daan upang mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong ika-4 ng Mayo, umaabot na sa 233 ang bilang mga bilanggo at jail personnel na nagpositibo sa COVID-19 mula sa iba’t-ibang bilangguan sa bansa.

Sa datos ng DOH, mula sa 373-persons deprived of liberty na sinuri, 195 dito ang nagpositibo bukod pa sa 38-BJMP personel na nagpositibo rin sa nasabing sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 1,291 total reads

 1,291 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 88,615 total reads

 88,615 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 125,988 total reads

 125,988 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 157,249 total reads

 157,249 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 229,973 total reads

 229,973 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,535 total reads

 31,535 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top