Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas network at Social Action Centers, nagsasagawa ng assessment sa pinsala ng bagyong Bising

SHARE THE TRUTH

 447 total views

Magsasagawa ng assessment ang mga tanggapan ng Caritas Network at Social Action Center sa iba’t-ibang lalawigan na naapektuhan ng bagyong Bising upang malaman ang lawak ng naging pinsala nito.

|Ito ay matapos na manalasa sa ilang lalawigan sa Bicol Region at Samar Province ang bagyo na itinuring na pinakamalakas na nabuo ngayong taon ngunit hindi naman direktang tumama sa kalupaan ng Pilipinas.

Ayon kay Rev. Fr. Renato Dela Rosa ng Diocese of Virac sa Catanduanes, naghanda na sila ng mga relief goods na maaring ipamigay sa mga naapektuhang residente.

Magugunitang noong taong 2020 ay labis na napinsala ng bagyong Rolly ang lalawigan dahilan upang hindi pa tuluyang makabangon ang marami sa mga residente.

Sa Diocese ng Legaspi sa Albay, inihayag ng bagong talagang Social Action Director nito na si Rev. Fr. Eric Martillano na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan at iba’t-ibang mga parokya upang alamin ang naging pinsala ng bagyo.

Ilan aniya sa mga residente ang inilikas dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“Simula kagabi hanggang ngayon, moderate to heavy ang ulan all over Albay.. May mga evacuees since yesterday especially sa mga areas na flood and landslide prone.”

Kaugnay nito maagap din na nakipag ugnayan ang Caritas Caceres sa lalawigan ng Camarines Sur upang matiyak na mababantayan ang naging epekto ng bagyong Bising.

Sinabi ni Caritas Caceres Director Rev. FR. Marc Real na una na nilang hiniling sa mga Parokya sa Archdiocese na buksan ito para sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

“We have a few parishes who reported to house evacuees already. We have sent communication to our priest to open their churches/parish hall as temporary shelter. We promised to send them assisstance once we gather data.” Pahayag ni Fr. Real.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagbabanta ang bagyong Bising sa ilang mga lalawigan sa hilagang silangan ng Luzon bagamat bahagyan na itong humina.

Batay sa datos noong taong 2020 kung saan naranasan sa bansa ang pananalasa ng bagyong Rolly ay umabot sa mahigit 385 libong indibidwal ang naapektuhan nito partikular na sa Bicol Region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 20,064 total views

 20,064 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 34,124 total views

 34,124 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 52,695 total views

 52,695 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 77,411 total views

 77,411 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 33,145 total views

 33,145 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 46,437 total views

 46,437 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top