Caritas Philippines, nakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagbati sa back-to-back Gold medals ni Carlos Yulo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,128 total views

Nagpaabot ng pagbati ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa tagumpay ng atletang si Carlos Yulo matapos na makamit ang dalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang tiyaga, dedikasyon, at matatag na pananampalataya ni Yulo ang nagsilbing inspirasyon sa milyun-milyong Pilipino na mangarap at magsikap para makamit ang tagumpay.

“Your journey, marked by challenges and triumphs, is a testament to the unyielding spirit of the Filipino people. Your victory is not just yours alone but a shared triumph for the entire nation,” pagbati ni Bishop Bagaforo.

Dalangin ni Bishop Bagaforo na magpatuloy pa ang tinatamasang tagumpay ng atleta at magsilbing huwaran at magbigay ng pag-asa sa buhay ng maraming Pilipino, lalo na ang mga nasa maralitang sektor ng lipunan.

“We pray for your continued success and well-being as you bring honor to our country,” dalangin ng obispo.

Si Yulo ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics matapos magtagumpay sa men’s artistic gymnastics vault final sa Bercy Arena noong Linggo, August 4.

Una nang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na si Yulo ang most bemedaled athlete sa kasaysayan ng Pilipinas na may 23 gintong medalya at kabuuang 38 medalya.

Samantala, tiyak namang makakakuha ng bronze medal sina boxing athlete Nesthy Petecio at Aira Villegas, habang nakamit naman ni men’s pole vault athlete EJ Obiena ang ikaapat na pwesto.

Ito ang ika-100 taong pakikilahok ng Pilipinas sa Olympics mula noong 1924 Summer Olympics na isinagawa rin sa Paris, France.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 30,186 total views

 30,186 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 114,945 total views

 114,945 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 132,586 total views

 132,586 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 177,804 total views

 177,804 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 652 total views

 652 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top