3,529 total views
Tiniyak ng Caritas Philippines ang sustainable na pamamaraan ng pagtulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga ‘Self-Help Groups’ o SHEG.
Sa pamamagitan ng SHEG na inilunsad ng Social Arm ng CBCP sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps Beneficiary sa South Caloocan ay nagturo ng mga livelihood education.
Ito ay upang makapagtayo o makapagsimula ng sariling negosyo ang mga benepisyaryo gamit ang pondong nakukuha sa 4Ps.
Naging posible naman ang paglulunsad ng Caritas Philippines sa pamamgitan ng pakikipagtulungan at ugnayan sa Department of Social Welfare and Development.
“Caritas Philippines Expands Self-Help Group (SHeG) Program to 4Ps Beneficiaries. From July 10-12, 2025, Ms. Sweet Cruz-Racho of Caritas Philippines, in collaboration with the Department of Social Welfare and Development (DSWD), conducted a Self-Help Group (SHeG) Training Workshop in South Caloocan City. Twenty-one mothers representing Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) households from Barangay 12 participated. This initiative empowers 4Ps partner- beneficiaries through savings, leadership development, and community engagement, fostering economic growth and social transformation,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.
Sa bahagi ng Caritas Manila, naniniwala si Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual na sa tulong ng mga livelihood program, higit na ng Youth Servant Leadership and Education Program ay nakakaahon sa kahirapan hindi lamang ang isang benepisyaryo kungdi ang komunidad at pamilya na kanilang kinabibilangan.