Caritas RJ ministry, patatagin pa ang pangangalaga sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 346 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry ang pagpapatuloy sa mga Programa at Adbokasiya para sa mga bilanggo sa kabila ng mga nagaganap na karahasan sa lipunan.

Ayon kay Caritas Manila RJ Program Coordinator Sr. Zeny Cabrera, ang pagsusumikap ng RJ Ministry na makapagkaloob ng ayuda at paggabay sa mga bilanguan sa Bansa ay bahagi ng pagpukaw sa kamalayan ng mga bilanggo sa pagpapahalaga sa buhay na dapat na mapangalagaan.

Iginiit ng Madre patuloy na magsusumikap ang RJ Ministry sa pagsusulong ng kahalagahan ng buhay sa kabila ng tila mas nagiging marahas na sistema sa Bansa na taliwas sa kalooban ng Panginoon.

“Nagpapatuloy ang programa despite many things kasi pinapaalam namin sa mga bilanggo na kaya kami pumapasok at tumutungo sa inyo sa mga pag-aaral na ito, Gusto naming matanim sa inyong kaisipan, sa inyong kalooban na pinapahalagahan natin ang isa’t isa kaya pangalagaan nila ang kanilang sarili kahit na ang sistema ngayon ay laban sa mga kalooban ng Diyos…” pahayag ni Sister Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology noong 2017, umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong Bansa na karamihan ay may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Sa tala naman ng Philippine National Police at ng mga Human Rights Groups umaabot na sa higit 23,000 ang nasawi mula ng magsimula ang Administrasyong Duterte na nagpatupad ng mas pinaigting na Kampanya laban sa illegal na droga.

Naunang nagpahayag ng pagsang-ayon at pakikibahagi ang Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry sa naging deklarasyon ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap kailanman ang pagpapataw ng Death Penalty.

Samantala, kabilang sa mga programang ipinagkakaloob ng Restorative Justice Prison Ministry sa mga bilangguan ay ang pagmumulat sa kamalayan ng mga bilanggo sa kahulugan ng pagiging tao, ang kahalagahan ng Dignidad at ang mga Karapatang tinataglay ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 14,615 total reads

 14,615 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 45,888 total reads

 45,888 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 125,041 total reads

 125,041 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 219,267 total reads

 219,267 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 279,280 total reads

 279,280 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 20,650 total reads

 20,650 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top