Carmelite Sisters, ipinagtanggol ng Philippine Province of the Claretian Missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total reads

Nakikiisa sa Carmelites Monastery of Cebu ang Philippine Province of the Claretian Missionaries sa malisyoso at walang katotohanang pagsasalarawan sa mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang.

Ayon kay Rev. Fr. Elias L. Ayuban Jr., CMF – Provincial Superior ng Philippine Province of the Claretian Missionaries, hindi katanggap-tanggap ang maling pagsasalarawan sa mga Carmelite nuns na masidhing nanalangin at nag-ayuno para sa kapakanan ng taumbayan sa gitna ng political crisis sa bansa.

Ipinaliwanag ng Pari na siya ring kasalukuyang Co-Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP),na ang maling pagsasalarawan sa kasaysayan ay pagmamaliit at pag-insulto sa mga madre na ginugugol ang kanilang buhay at panahon sa katahimikan at pananalangin para sa kapakanan ng buong bayan.

“Faithful to their calling, the Carmelite nuns were praying, fasting and having vigil for our country at that very crucial time of our history. Hence, it is beyond comprehension why some people have the audacity to malign them and distort history on the process. The simplicity of their life and the amount of time spent in silence and prayer to intercede for this broken world are enough reasons to accord them with utmost respect.” Fr. Ayuban.

Ibinahagi ni Fr. Ayuban, maraming mga lingkod ng Simbahan ang aktibong nakibahagi sa pagsusulong ng demokrasya hindi lamang sa pamamagitan ng pagmamartsa at pagharang sa mga tangke sa EDSA kundi maging sa taimtim na pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon.

Binigyan diin ng Pari na walang puwang sa lipunan ang anumang tangka ng pagpapalaganap ng fake news at disinformation na nalalayong sirain at baluktutin ang kasaysayan ng bansa.

“I was in EDSA in 1986; the nuns were in their cloisters. But all of us fought for our freedom: either by facing the tanks standing or praying on bended knees. With the unabated proliferation of fake news and disinformation, not only in the movie MIM but in every facet of social media, we continue this noble fight to seek the truth with praying hearts.” Dagdag pa ni Fr. Ayuban.

Una ng umalma ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa nasabing eksena sa pelikula na nagpapakita na nagawa pang maglaro ang mga madre at dating pangulong Aquino ng mahjong sa gitna ng panganib at kawalang katiyakan na kinahaharap ng Pilipinas.

Matatandaang si dating Pangulong Corazon Aquino ay kinupkop ng mga madre habang pinagtatalunan ang resulta ng snap election noong 1986 sa pagitan ng katunggaling noo’y si President Ferdinand Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,871 total reads

 75,871 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,713 total reads

 110,713 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,013 total reads

 146,013 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,282 total reads

 372,282 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,556 total reads

 261,556 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top