CBCP-ECY sa Kabataan: Maging Tapat at aktibong misyonero ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,078 total reads

Hinikayat ni CBCP–Episcopal Commission on Youth (ECY) Chairman at San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang mga kabataang Katolikong Pilipino na maging tapat, marangal, at aktibong misyonero ng Simbahan sa gitna ng mga hamon ng lipunan.

Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pagdiriwang ng National Youth Day 2025 at sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sa kanyang mensahe, ginamit ng Obispo ang awiting I’m Dreaming of a White Christmas bilang tanda ng adhikain ng Simbahang Pilipino na itaguyod ang kalinisan ng budhi, paninindigan sa katotohanan, at marangal na paglilingkod sa kapwa.

Ayon kay Bishop Maralit, bagama’t humaharap ang bansa sa samu’t saring suliranin, nananatiling nasa kabataan ang pag-asa ng Simbahan at ng sambayanang Pilipino.

Hinamon din niya ang mga kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis na maging mga misyonero sa mga lugar kung saan higit na kailangan ang katapatan, kabutihan, at malinis na pamamahala—mga pagpapahalagang dapat magsimula sa personal na buhay ng kabataan, sa paaralan, sa komunidad, at sa pang-araw-araw na gawain.

Binibigyang-diin ni Bishop Maralit na nasa kabataan ang malaking pananagutan sa pagbibigay-buhay sa mga pagpapahalagang Kristiyano. Kung hinahanap sa pamahalaan ang tapat at malinis na paglilingkod, nararapat itong magsimula sa pagkilos at pamumuhay ng mga kabataan ngayon, at hindi sa hinaharap.

Ipinaalala rin ng Obispo na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lamang nasusukat sa kasiyahan at pagdiriwang, kundi sa presensya ni Kristo na buhay at nahahayag sa puso at gawa ng bawat isa.

Hinikayat niya ang kabataan na magalak at magdiwang, ngunit manatiling matatag sa pananampalataya at sa kanilang misyon bilang liwanag ng Simbahan at ng bayan, lalo na sa panahong higit na hinahanap ang mga tunay na saksi ng pag-asa at kabutihan.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagpahatid si Bishop Maralit ng pagbati ng isang mapagpala at masayang Pasko sa lahat ng kabataang Pilipino, kasabay ng paalala na ang bawat isa ay hindi lamang tumatanggap ng biyaya, kundi tinatawag ding maging daluyan ng pagpapala para sa kapwa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,475 total reads

 17,475 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,074 total reads

 38,074 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,955 total reads

 107,955 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,323 total reads

 193,323 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 240,059 total reads

 240,059 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,931 total reads

 287,931 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,439 total reads

 386,439 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top