Pasko, paalala ng Diyos sa Pagkakaisa at Kapayapaan – Archbishop Garcera

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,813 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na ang Pasko ng Pagsilang ni Hesus ay paalala ng patuloy na pakikilakbay ng Diyos sa sangkatauhan at ng Kanyang panawagan sa pagkakaisa at kapayapaan.

Ayon kay CBCP President Archbishop Gilbert Garcera, sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng mundo—lalo na sa Pilipinas na nahahati dahil sa mga usaping pampulitika—ang pagdiriwang ng Pasko ay paanyaya ng Diyos upang muling buuin ang ugnayan ng tao sa kapwa at sa Diyos.

“Ang Diyos ay hindi nanatiling malayo. Siya ay lumapit upang pag-isahin tayo at ibalik ang magandang kaugnayan natin sa Diyos,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Binigyang-diin ng arsobispo na si Hesus, ang nagkatawang-taong Salita ng Diyos, ang diwa at puso ng Pasko. Kaya naman mahalagang hayaang manahan si Kristo sa puso ng bawat isa at isabuhay ang Kanyang mga aral sa pang-araw-araw na buhay.

Tinukoy rin ni Archbishop Garcera ang patuloy na pagkakawatak-watak ng mga Pilipino na, ayon sa kanya, ay pinalalala ng laganap na korapsyon at ng pagpanig sa makapangyarihang mga political clan—mga salik na patuloy na sumisira sa pagkakaisa ng bayan.

Iginiit ng arsobispo na sa pagsilang ni Hesus ay isinakatuparan ng Diyos ang Kanyang pangako ng kaligtasan para sa sanlibutan.

“Ang Pasko ay kapistahan ng katuparan. Lahat ng ipinangako ng Diyos sa kasaysayan—ang paghihintay ng mga propeta, ang inaasam ng mga salinlahi, at ang daing ng sanlibutan sa gitna ng dilim—ay nagkaisa sa isang maningning na katotohanan,” ani Archbishop Garcera.

Pinaalalahanan din niya ang mamamayan na sa gitna ng karahasan, digmaan, at personal na mga pagsubok, naroroon si Hesus na patuloy na nakikilakbay sa sangkatauhan bilang bukal ng pag-asa at lakas ng loob.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Archbishop Garcera ang lahat na isabuhay ang Salita ng Diyos bilang gabay sa araw-araw na pamumuhay at pagkilos bilang sambayanan ng Diyos.

“Harinawa, ang galak ng Ebanghelyo ang magbigay-lakas sa atin upang patuloy tayong umusad bilang iisang bayan at sambayanan ng Diyos,” giit ng arsobispo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,436 total reads

 18,436 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,024 total reads

 39,024 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,193 total reads

 109,193 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,561 total reads

 194,561 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,297 total reads

 241,297 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,169 total reads

 289,169 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,509 total reads

 387,509 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top