CBCP-EYC, pinaghahandaan ang World Youth Day 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,028 total reads

Ibinahagi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na mahalaga ang ginanap na International Preparatory Meeting para sa World Youth Day 2023 sa Portugal.

Ayon kay CBCP-ECY Executive Secretary Fr. Jade Licuanan, tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing impormasyon bilang paghahanda sa malaking pagtitipon ng mga kabataan.
Inihayag ng Pari na personal na ibinahagi ng organizing committee ang mga alintuntunin na susundin sa WYD 2023 na gaganapin sa August one hanggang six.

“Ang International Preparatory Meeting ay naglalayon para doon sa mga tatanggap ng information and data first hand from the local organizing committee ng WYD sa Portugal. People who were in charge and hold significant position were there to speak to the congregation, details na siguro makukuha lang through a conversation rather than on website,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na magandang pagkakataon din ang pagtitipon sapagkat nagkaroon ng palitan ng ideya na makatutulong para sa mas maayos na WYD dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Isa sa tinalakay ang issuance ng visa ng mga embahada dahil sa safety protocols na kailangang sundin gayundin ang estimated cost ng bawat delegadong dadalo sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan.

Inilarawan ng pari na tila small World Youth Day ang pagtitipon noong October 15 hanggang 18 dahil sa pagdalo ng iba’t ibang kinatawan ng mga bansa na lalahok.

Nagkaroon din ng pagkakataon na bisitahin ng mga kinatawan ng bawat bansa ang venue na pagdarausan ng WYD sa Lisbon.

Samantala patuloy ang Pilipinas sa paghahanda para sa mga nais dumalo sa WYD at maaring makipag-ugnayan sa mga youth minister’s ng kanilang parokya o sa youth commission ng bawat diyosesis para sa karagdagang detalye.

Matatandaang sinabi ng Santo Papa Francisco ang pagdalo sa nakatakdang pagtitipon ng mga kabataan sa 2023 na unang ipinagpaliban dahil sa pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 76,592 total reads

 76,592 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 117,151 total reads

 117,151 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 140,410 total reads

 140,410 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 188,678 total reads

 188,678 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 207,780 total reads

 207,780 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top