233 total views
Nag-anyaya ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya na kumilos at makiisa sa Walk for Life upang labanan ang kultura ng kamatayan na gagawin sa ika-18 ng Pebrero sa Luneta.
Ayon kay CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, hindi kaloob ng Diyos na mayroong mga napapatay sa lansangan at napapatay na sanggol sa sinapupunan ng isang ina.
Sinabi ng Arsobispo na ang kaloob ng Diyos ay magkaroon tayo ng lansangan at kapaligiran na tahimik at ligtas sa anumang uri ng pagpatay at kapahamakan.
“My dear brothers and sisters in Christ is it God’s will that blood be on our streets? Is it God’s will that dead bodies of our brothers and sisters be found in our sidewalks? Is it God’s will that mothers kill the infants in their wombs? It is not God’s will.”pahayag ni Archbishop Villegas.
Hinimok ni Archbishop Villegas ang mamamayan na magkita-kita sa Quirino Grandstand upang panindigan ang pagsusulong ng buhay at punuin ng panalangin ang mga lansangan sa halip na bangkay ng tao.
Inaasahan ng Arsobispo na maging matapang ang bawat Katoliko o bawat tao na panindigan at ipaglaban ang kasagraduhan ng buhay.
“Our streets must be safe, our street should be secured, I’m inviting you to come out on February 18, 2017 at the Quirino Grandstand at 4:30 in the morning until 7 in the morning. Let us walk for life, let us fill our streets not with blood not with dead bodies but with prayer with courage to walk to stand up for life. Let us stand up for life, let us walk for life, February 18, is our date. God bless you all.”bahagi ng panawagan ni Archbishop Villegas na ipinadala sa Radio Veritas.
Nauna rito, hinimok ng CBCP ang sambayanang Pilipino na manindigan at kumilos sa umiiral na “reign of terror” sa bansa dahil sa EJK at death penalty.
Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-pastoral-letter-deaths-killings/
Nabatid sa datos ng pamahalaan na mula noong taong 2012 ay umaabot na sa 610-libong mga kababaihan ang nagsagawa ng abortion habang tatlong kababaihan ang namamatay sa Pilipinas dahil sa abortion.
Umaabot naman sa 7,080-katao ang napatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.