CBCP, nagpasalamat sa pagkakasalba mula sa parusang bitay sa isang OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total views

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples matapos na maisalba ang buhay at bumalik ng ligtas sa bansa ang overseas Filipino worker na si Jonard Langamin sa parusang kamatayan sa Saudi Arabia.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, maituturing itong biyaya sa pagkilala na ang buhay ay iginagalang at ipinagtatanggol gaano man kabigat ang kasalanang nagawa.

Hinimok rin ni Bishop Santos ang pamahalaan at iba pang ahensya na tumugon na rin sa mahigit 100 pang mga OFWs na nasa death row o nahaharap sa parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa na karamihan ay may kasong drug trafficking batay sa ulat ng Migrante International.

“Tayo ay nararapat na magpasalamat sa Diyos dahil ang buhay ay naligtas. Tayo ay nagpapasalamat sa ating pamahalaan at pamahalaan doon na isang buhay ang hindi nasayang, hindi naaksaya at ito ay patunay na kung saan dapat ang buhay ipagtatanggol, ang buhay ating igagalang at dapat ang lahat ay tumutugon, tumutulong, dumadamay upang iligtas ang ating kababayan na nasa bingit ng kamatayan at nasa panganib ng kamatayan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nag – alay rin ng panalangin ang obispo sa lahat pa ng mga OFWs na nagdurusa sa bilangguan at umaasa na baling araw ay makakauwi ng ligtas at buhay sa ating bansa.

“Tayo rin ay nanalangin at humihiling sa Panginoon na kung saan ay meron pa tayong kapwa Pilipino na nagdurusa, naghihirap sa bingit ng alanganin at kaparusahan at dapat ring tulungan. Ito ay panawagan rin natin kung saan ay dapat magtulungan at ito ay magiging daan upang ang buhay ay maligtas at mapangalagaan,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Noong 2008 nahatulan ng parusang kamatayan si Langamin ng mapaslang nito ang kapwa Pilipino na si Robertson Mendoza at napawalang bisa ito noong 2012 matapos na lumagda sa ‘tanazul’ o affidavit ng pagpapatawad ang pamilya Mendoza.

Lumabas sa pag-aaral ng Amnesty International na tumaas ng 54 na porsyento ang naitalang bilang ng mga Pilipinong nasa death row na noong 2015 ay umabot sa 1,634.

Sa tala, nagmula sa mga bansang Iran, Pakistan at Saudi Arabia ang 89 na porsyento o higit 1,400 na kaso ng execution mula sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,359 total views

 24,359 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 57,441 total views

 57,441 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 85,792 total views

 85,792 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 153,523 total views

 153,523 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 174,918 total views

 174,918 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 151,866 total views

 151,866 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 315,294 total views

 315,294 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top