CEAP, nanindigan sa ikaapat na antas ng civil degree ng pagbabawal sa political dynasty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,852 total reads

Nanindigan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na dapat palawigin hanggang sa ika-apat na antas ng civil degree ang ipatutupad na pagbabawal laban sa political dynasty upang matiyak na magiging makabuluhan at hindi lamang simboliko ang gagawing reporma.

Sa inilabas na pahayag CEAP, binigyang-diin ng asosasyon na hindi sapat ang paglilimita sa ikalawa o ikatlong antas ng civil degree dahil maaari pa ring manatili ang kapangyarihan sa loob ng iisang angkan sa pamamagitan ng mas malalayong kamag-anak.

“Limiting the prohibition to only the second or third civil degree may appear sufficient on paper, but in practice it leaves wide openings for political power to remain within the same extended clan. In many communities, cousins, in-laws, nephews, nieces, and even more distant relatives function as a single coordinated political unit, sharing resources, machinery, and decision-making influence.” Ayon sa CEAP.

Ipinaliwanag ng grupo na sa maraming lugar sa bansa, ang mga pinsan, bayaw, hipag, pamangkin, at iba pang kamag-anak ay kumikilos bilang iisang magkakaugnay na puwersang pampulitika na nagbabahaginan ng yaman, makinarya, at impluwensya sa komunidad.

Pagbabahagi ng CEAP, kung hanggang ikalawa o ikatlong antas lamang ang saklaw ng pagbabawal sa pagtakbo sa pampublikong posisyon ay maaari pa ring mailipat ang posisyon sa isang kamag-anak na lampas sa itinakdang hangganan habang nananatili ang parehong pampamilyang ng control sa pulitika ng iisang angkan.

“If the restriction stops at the second or third degree, power can simply be transferred sideways, to a cousin, an in-law, or another relative just outside the boundary while preserving the same network of control.” Dagdag pa ng CEAP.

Dahil dito, iginiit ng CEAP na ang pagtatakda ng hangganan hanggang ika-apat na antas ng civil degree ay pagkilala sa aktuwal na nangyayaring alyansang pampamilya sa politika sa iba’t ibang lugar sa bansa, lalo na sa lokal na antas kung saan malalim at malawak ang ugnayang magkakamag-anak sa larangan ng pulitika.

“A fourth-degree limit acknowledges how political alliances within families actually operate, especially in local settings where kinship ties extend beyond the nuclear family. The goal is not to overreach, but to prevent cosmetic compliance that keeps the structure intact while changing only the surname on the ballot. By drawing the line at the fourth civil degree, the reform becomes meaningful rather than symbolic, ensuring that leadership rotation truly opens space for broader democratic participation rather than merely reorganizing family succession.” Ayon pa sa CEAP.

Para sa CEAP, ang tunay na reporma laban sa political dynasty ay hindi dapat magbigay-daan sa ‘cosmetic compliance’ o pormal na pagsunod lamang, kundi dapat magbukas ng mas malawak na partisipasyon at pananagutan sa demokratikong proseso ng bansa.

Ayon sa datus ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) aabot sa 178 ang bilang ng mga ‘dominant political dynasties’ o kilalang angkan sa larangan ng politika sa bansa, kung saan sa 94 na porsyento sa 80-probinsya sa Pilipinas ay mayroong na political dynasty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,549 total reads

 29,549 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,437 total reads

 66,437 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,648 total reads

 84,648 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,976 total reads

 168,976 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,003 total reads

 205,003 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,984 total reads

 37,984 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top