CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,852 total views

Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.

Ayon sa CHR, tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ng kapakanan ng mga Pilipino saanmang panig ng mundo.

“As the country’s national human rights institution, the CHR reiterates its call for the Philippine government to further strengthen its efforts in ensuring that the rights of Filipino migrant workers are upheld and protected, even when they are outside the territorial jurisdiction of the Philippines.” Bahagi ng pahayag ng CHR.

Kabilang sa panawagan ng komisyon sa pamahalaan ang pagkakaroon ng isang kongkretong legal support system para sa mga OFW gayundin ang pagpapaigting ng diplomatikong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa kung saan may mga OFW.

Paliwanag ng CHR, mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang matiyak ang pagbibigay halaga sa dignidad at karapatan ng mga OFW kabilang na ang patas na pag-iral ng batas at ang pagkakaroon ng legal representation ng mga OFW na maaring maharap sa iba’t ibang kaso o sitwasyon.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa isang Pilipinong may kasong murder sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) noong ika-8 ng Oktubre, 2024.

Sa pinakahuling datos ng DFA noong Marso ng nakalipas na taong 2023, hindi bababa sa 80-Pilipino ang nasa death row sa iba’t ibang bansa na pinangangambahan mabitay dahil sa ibat-ibang kasong kinasasangkutan.

Una na ring nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasabay ng pananalangin para sa ikapapayapa ng kanyang kaluluwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 17,285 total views

 17,285 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 45,636 total views

 45,636 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 113,366 total views

 113,366 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 136,517 total views

 136,517 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 205,456 total views

 205,456 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top