Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Christmas is not just the birth of Christ; it is the birth of hope-“ Bp. Santos

SHARE THE TRUTH

 2,344 total views

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na si Hesukristo ang tunay at bukal na pag-asa ng sanlibutan, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng tao sa kasalukuyan.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon, kung saan pinaalalahanan niya ang mananampalataya na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng palitan ng regalo, makukulay na dekorasyon, at mga materyal na pagdiriwang, kundi ang pagsilang ng liwanag ng pag-asa para sa bawat isa.

“Christmas is not just the birth of Christ; it is the birth of hope. It is a time of profound hope—a hope that is not fleeting, but eternal. A hope that is found in Christ, who was born in Bethlehem to bring light into our darkness,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Pasko ay isang pilgrimage of hope, isang paglalakbay na hindi nasusukat sa layo o tagal, kundi sa lalim ng pananampalatayang gumagabay sa tao patungo sa landas ni Hesus.

Dagdag pa ng obispo, ang tunay na pag-asa ay bukod-tanging kay Hesukristo lamang matatagpuan sapagkat Siya ang isinugo ng Diyos Ama upang iligtas ang sanlibutan.

“True hope is not found in human promises, but in the love of Christ. He alone is our Savior, the one who never fails us. True hope is not found in possessions or status, but in Christ alone,” ayon pa sa obispo.

Ayon kay Bishop Santos, ang pangako ng kaligtasan at buhay na walang hanggan ang siyang nagbibigay-lakas at pag-asa sa tao upang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok sa buhay.
Binigyang-diin din ng obispo na ang mga materyal na bagay ay lumilipas, subalit ang Krus ni Hesus ay nananatili magpakailanman, at iginiit na ang tunay na kayamanan ay matatagpuan sa diwa ng pag-ibig, habag, at katarungan, mga halagang higit na naglalapit sa tao sa Diyos.

“Let us fix our eyes on Jesus—the child in the manger, the Savior on the Cross, the Lord who prepares a place for us in heaven,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli, idinalangin ng obispo na nawa’y pagpanibaguhin ng panahon ng Pasko ang pananampalataya ng bawat isa, palalimin ang pagmamahal, at patibayin ang pag-asa kay Kristo, at nawa’y gabayan ng liwanag ng Pasko ang paglalakbay ng pag-asa ng sambayanan hanggang sa marating ang kanilang tunay na tahanan sa langit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 25,150 total views

 25,150 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 42,118 total views

 42,118 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 57,948 total views

 57,948 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 150,137 total views

 150,137 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 168,303 total views

 168,303 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top