Tunay na Kapayapaan ay nagmumula sa Diyos, hindi sa kapangyarihan ng tao-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,187 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang tunay at pangmatagalang kapayapaan sa lipunan ay nagmumula sa pagbibigay-luwalhati sa Diyos at hindi sa kapangyarihan, kontrol, o pansariling interes ng tao.

Ito ang binigyang-diin ng cardinal sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Christmas Eve Mass sa Manila Cathedral, kung saan ipinaliwanag na ang iba’t ibang anyo ng kaguluhan at kawalan ng kapayapaan sa mundo ay ugat ng maling pinahahalagahan at makasariling hangarin ng lipunan.

“Much of our unrest comes from misplaced glory… peace in our hearts and in the world flows from God-centered lives,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ayon sa arsobispo, ang awit ng mga anghel sa unang Pasko ay malinaw na paalala na ang kapayapaan sa daigdig ay nakaugat sa pagbibigay ng pangunahing lugar sa Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay.

Binigyang-diin din ng cardinal na ang kapayapaang nakakamit sa pamamagitan ng dahas, pananakot, o panunupil ay isang huwad at pansamantalang kapayapaan lamang.

Inihalintulad niya ito sa Pax Romana noong panahon ng Imperyong Romano, na bagama’t naghatid ng kaayusan, ay nakamit sa pamamagitan ng karahasan at kalupitan.

“The angels were pointing towards the true peace, a peace based on putting God at the center of all aspects of life,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Sa pagdiriwang ng Pasko, inalala rin ng cardinal ang kalagayan ng mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng mga lindol at bagyo, lalo na sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Tinukoy din niya ang patuloy na suliranin ng korapsyon sa lipunan na, ayon sa kanya, ay lubhang humahadlang sa pagsasabuhay ng katotohanan, katarungan, at integridad—lalo na sa karanasan ng mga mahihirap at naaapi.

“The prevalence of corruption in many areas of our lives has made truth, justice, and integrity elusive and difficult to achieve,” ani ng cardinal.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, hinimok ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang mga anghel bilang tagapagpahayag ng pag-asa sa gitna ng takot, tanda ng presensya ng Diyos na patuloy na nakikilakbay sa sangkatauhan, at mga saksi sa pagbibigay-luwalhati sa Diyos upang higit pang manaig ang tunay na kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,964 total reads

 33,964 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 84,597 total reads

 84,597 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,468 total reads

 132,468 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,416 total reads

 236,416 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,793 total reads

 320,793 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top