Closing ceremony ng 500-YOC sa Amerika, pinangunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 767 total reads

Umaasa ang opisyal ng Vatican na higit makikilala ang mga Pilipino bilang tagapagpadaloy ng pananampataya sa buong mundo.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Dicastery for Evangelization sa misang ginanap sa St. Patrick Cathedral sa New York, Estados Unidos noong June 1, 2022.

Pinangunahan ng cardinal ang closing ceremony ng 500 Years of Christianity sa Amerika kasabay ng paggunita sa ika – 40 anibersaryo ng debosyon ni San Lorenzo Ruiz.

“I hope that the Filipinos everywhere will be known as someone who treasures the gift of faith, you are someone who treasures the gift of the church, let that be the mark of every Filipino Christian,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Ayon sa cardinal, dapat tularan ng mga Pilipino si San Lorenzo Ruiz na masigasig sa pagbabahagi ng pananampalataya sa ibayong dagat hanggang sa mapaslang sa Japan noong September 1637.
Pinuri ni Cardinal Tagle ang Filipino migrants na itinuring ni Pope Francis bilang ‘smuggler of faith’ na tunay na isinabuhay ang pagiging ‘gifted to give’ na paksa sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas.

Tinuran ng opisyal ang paglago ng kristiyanismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa tulong ng mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers.

“Ganyan ang regalo, mas binibigay mo mas lumalago; ang bawat regalong tinatanggap mananatiling regalo, kapag itinigil ang pamamahagi nito mawawala ang regalo,” ani ng cardinal.

Matatandaang 2013 nang magsimula ang siyam na taong paghahanda sa 500 Years of Christianity sa Pilipinas kung saan noong 2021 ginunita sa Archdiocese of Cebu ang unang binyag na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Samantala nanawagan naman si Father Erno Diaz, Founder ng San Lorenzo Ruiz Global Ministry sa mga Pilipino na palakasin ang debosyon kay San Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipinong santo.

“Wherever you are, please make your devotion to San Lorenzo Ruiz like vibrant and also vigorous this is our identity as Filipino Catholics and Christians in the world,” pahayag ni Fr. Diaz.

Bukod kay Cardinal Tagle dumalo rin sa pagtitipon si Vatican Permanent Observer to the United Nations Archbishop Gabriele Caccia na nakabase sa New York.

Batid ng arsobispo ang buhay na debosyon ng mga Pilipino kay San Lorenzo Ruiz sapagkat personal niya itong nasaksihan ng manilbihang kinatawan ng Vatican sa Pilipinas noong 2017 hanggang 2019.

Nakiisa sa pagtitipon ang Filipino communities sa Estados Unidos partikular sa New York, New Jersey at Connecticut.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 21,671 total reads

 21,671 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 102,237 total reads

 102,237 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 196,464 total reads

 196,464 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 256,952 total reads

 256,952 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 269,722 total reads

 269,722 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,544 total reads

 36,544 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top