COCO farmers, umaasa sa pangako ng Pangulong Duterte na maisabatas ang Coco Levy Trust Fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total reads

Patuloy ang adhikain ng Simbahang Katolika ang mapabuti ang kalagayan ng sektor ng agrikultura lalo na ang kapakanan ng mga magsasaka.

Binigyang pansin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang sektor ng agrikultura sa isa sa kanyang mga monthly prayer intentions lalo na ang mga magsasakang sinasamantala ng mga kapitalista.

Bunsod nito, kaisa ang Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng pag-asa ng mga magsasaka ng niyog sa pangakong binitiwan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA.

Sa panayam ng Radio Veritas, itinuturing ni Joey Faustino, Executive Director ng Coconut Industry Reform Movement na bagong simula ang muling pagsusulong ng panukala sa Kongreso na mapakinabangan ang multi-bilyong pisong Coco levy fund.

“The fourth SONA can be made to start the process again. President Duterte made a similar pronouncement during the 3rd SONA but with less emphasis. But still Congress watered down and mangled the bill of the coco farmers. The sector will have to deal with both houses of the Congress again,” mensahe ni Faustino sa Radio Veritas.

Subalit aminado si Faustino na bagamat binanggit ng punong ehekutibo ang usapin sa coco levy fund ay wala pa rin itong katiyakan na makapasa sa Kongreso.

Umaasa ang mga magsasaka ng niyog na mapabilis ang pagpasa sa coco levy trust fund bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso base sa naging pangako ni House Speaker Allan Peter Cayetano noong kumandidato itong Vice-President.

Sa SONA ng pangulong Duterte, iminungkahi nito na i-invest ang tinatayang 100-bilyong pisong trust fund mula sa mga magniniyog noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos upang mas lalago pa ito.

Hinimok ng pangulo ang Kongreso na magpasa ng mas matibay at komprehensibong panukala na bumuo ng Coconut Farmers’ Trust Fund na una niyang ibineto.

Iginiit ni Faustino na hindi katanggap-tanggap sa mahigit 3-milyong coco farmers ang pag-veto ng pangulong Duterte sa inaprubahan ng Kongreso na coco levy trust fund.

“They should be more vocal this time in all discussions and hearings so it can finally enacted,” ani ni Faustino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,970 total reads

 127,970 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,875 total reads

 264,875 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,650 total reads

 380,650 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,817 total reads

 495,817 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top