The color of November 5 is clarity, and transparency- Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 336 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na makiisa sa ‘Heal our Land Sunday’– isang misa na itinakda sa ika-5 ng Nobyembre sa Edsa shrine alas-3 ng hapon.

Nilinaw ni CBCP President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ito ay panalangin ng sambayan tungo sa pag-ako ng mga pagkukulang at ang pagbabago pabalik sa Panginoon.

“Walang kapayapaan kung wala ang Diyos; walang pag-unlad kung walang panalangin; at walang pangarap na matutupad kung hindi tayo magbabago ng buhay,” ayon kay Archbishop Villegas.

Nilinaw ng Arsobispo na ang pagtitipon ay hindi para sa kulay dilaw, pula o asul kundi isang kulay na malinaw, naa-aninag at busilak tulad ng tubig na konsensya para hingin ang awa ng Panginoon sa ating mga nagawang pagkakasala.

“Kayo pong lahat ay inaanyayahan ko na sumama sa pagdiriwang ng misa kasama ang mahal na birhen ng Fatima para sa paghihilom ng ating bayan. Nananawagan tayo na tigilan na ang patayan; nanawagan tayo na isulong ang paghilom ng bayan. At ang paghihilom ay hindi pagbubulag-bulagan. Ang paghihilom ay pagiging mulat sa nagnyayari sa kapaligiran at akuin natin ang ating kasalanan,Ang atin pong pagtitipon ay hindi dilaw, hindi pula, hindi asul, hindi kahit anong kulay. The color of November 5 is clarity, it is transparency, it is the purity of clear water. It is a transparency of the conscience that seeks pardon from the Lord. Hindi po tayo manggugulo. Huwag na po nating guluhin ang ating bayan, ang hilingin lang po natin ay Panginoon, maawa na po kayo sa Pilipinas at alam natin hindi tayo tatalikuran ng Panginoon.” bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas

Una na ring nagpalabas ng pastoral statement ang arsobispo para sa 40 araw na panalangin at pagpapatunog ng kampana para sa ‘stop the killings’ campaign at ngayon ang panawagan naman na panalangin para ‘start the healing’ campaign sa loob ng 33 araw na sisimulan sa November 5 sa Edsa shrine.

Mariin ding kinondena ng simbahang katolika ang laganap na pagpatay sa mga hinihinalang may kaugnayan sa ilegal na droga kaya’t isinulong ang profundis bell para ipanalangin ang mga namayapa higit lalu ang mga napatay dahil sa krimen at digmaan.

Umaabot sa higit 13,000 katao ang naitalang pinatay na may kaugnayan sa ilegal na droga, habang ayon sa Philippine National Police may higit sa 3,000 sa mga napatay ay bunga ng legitimong police operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 21,155 total views

 21,155 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 91,268 total views

 91,268 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 165,882 total views

 165,882 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,960 total views

 245,960 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 288,238 total views

 288,238 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top