Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone, tinututulan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 6,407 total views

Magsasagawa ng press conference ang simbahan, katuwang ang mga mangingisda at mga dalubhasa sa karagatan, upang ibahagi at ipaliwanag ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema.

Kaugnay ito sa pagpapahintulot ng kataas-taasang hukuman sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal fishing zone.

Gaganapin ang press conference sa Sabado, February 1, 2025, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Serviam Hall ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City.

Dito’y tatalakayin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ang mga usaping moral, panlipunan, at pang-ekonomiya kaugnay ng nasabing desisyon at ang epekto nito sa mahigit 2.3 milyong maliliit na mangingisda at sa kalikasan.

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Oceana Philippines Vice President, Atty. Gloria Estenzo-Ramos; PANGISDA Pilipinas President Pablo Rosales; PAMALAKAYA Pilipinas Vice Chairperson Salvador France; Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Xavier Padilla; at Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor.

Sa katatapos lamang na 129th CBCP Plenary Assembly, mahigit 40 obispo ang lumagda sa liham-pastoral bilang pagpapahayag ng mariing pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema.

Samantala, babasahin naman ang pastoral letter sa lahat ng misa sa buong bansa sa February 2, upang ipalaganap ang mensahe ng mga obispo at hikayatin ang mga mananampalataya na pagnilayan ang usapin at suportahan ang panawagan para sa kapakanan ng mga mangingisda at pangangalaga sa karagatan.

Mapapakinggan naman ang press conference sa programang Veritasan ng Radyo Veritas sa DZRV846 AM; at mapapanood sa DZRV 846 facebook page; Veritas PH sa Youtube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 9,635 total views

 9,635 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 23,071 total views

 23,071 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 39,855 total views

 39,855 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 51,017 total views

 51,017 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sikatunarra project, pinuri ni Bishop Uy

 231 total views

 231 total views Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Alay Kapwa theme song, isasapubliko

 472 total views

 472 total views Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top