Contractualization, inaasahan ng Pari na buwagin ng bagong pinuno ng I-L-O

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Ang pagpapaigting sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ang higit na kinakailangan ng buong mundo.

Ito ang mensahe ni Father Eric Adoviso – Minister ng Manila Archdiocese Ministry for Labor Concern (AMLC) bilang pagkilala sa bagong pinuno ng International Labour Organization (ILO).

“At the same time sana yung mga manggagawa ay talagang makamtam nila lalo na sa Pilipinas na makamtam yung kapakanan nila, yung matagal na nilang hinahangad na mga minimum wage ay sana naman tumaas pa dahil hindi naman bumababa ang presyo ng mga bilihin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.

Panalangin din ni Father Adoviso para sa bagong pinuno ng ILO ang pagpapaigting ng pagbuwag sa kontrakwalisasyon na bukod sa Pilipinas ay nararanasan rin ng mga manggagawa sa buong daigdig.

Umaasa ang Pari na pangalagaan din ng I-L-O ang karapatan ng mga manggagawa na magtayo ng mga ‘union’ at isabuhay ang Ensiklikal ng dating Santo Papa na si Pope John Paul II na ‘Labora Exercen’.

“Sa Laborem ay hinihimok ni Saint John Paull II na magtayo ng asosasyon, ng union para maprotektahan ang interes ng manggagawa, yun mahahalaga iyon, sa Pilipinas, maging maganda yung sahod sa manggagawa, tapos yung kontrakwalisasyon matapos na at yung security of tenure,” pahayag ni Father Adoviso.

September 30 ng isagawa ang turnover ceremony ni Director-general Guy Ryder kay Gilbert Houngbo bilang bagong pinuno ng ILO.

Sa sampung taon na pamumuno ni Ryder, bukod sa pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa ay naging adbokasiya nito ang pagtataguyod sa ekonomiya ng mga bansang madalas na nakakaranas ng natural na kalamidad at digmaan.

Samantala, bukod sa pagiging dating Prime Minister ng Togolese Republic sa West Africa ay nakilala si Houngbo bilang isang ekonomista na nagtataguyod ng kapakanan ng mga mahihirap na komunidad sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Si Houngbo rin ang kasalukuyang Pangulo ng International Fund for Agricultural Development (IFAD) at Chairman ng United Nations Water na tinitiyak ang pagkakaroon ng malinis na suplay ng inuming tubig sa pinakamahihirap na bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,728 total views

 40,728 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,810 total views

 73,810 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 102,161 total views

 102,161 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,893 total views

 169,893 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,176 total views

 190,176 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top