281 total views
April 9, 2020, 2:16PM
Itinuring ni Balanga Bishop Ruperto Santos na krus ng pagpapakasakit ni Kristo ang pandemic corona virus disease na malaking banta sa kalusugan ng mga mamamayan sa buong daigdig.
Sa pagninilay ng obispo sa Biyernes Santo, pinaalalahanan nito ang mananampalataya na bagamat sumisimbolo ang krus sa pagpapakasakit ni Kristo mas higit na sinasagisag nito ang buhay nang walang hanggan dahil sa pagtubos sa kasalanan ng sanlibutan.
“As we commemorate the Good Friday, we can say Coronavirus is our cross. Cross signifies suffering and sacrifices. Cross means death. But cross is also our salvation. When Jesus takes up the cross, carries and was crucified on it, we are saved. We are ransomed from death,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Santos.
Sinabi ng Obispo na mahalagang magsakripisyo ang bawat isa sa mga panuntunang ipinatutupad sa gitna ng krisis ng COVID 19 sapagkat labis itong mapanganib sa kalusugan ng tao.
Hamon ni Bishop Santos sa bawat isa na harapin ang pagsubok na dala ng pandemya nang may matibay na pananalig sa Diyos.
“If Coronavirus is our cross, let us carry it with faith and firmness of Jesus. And along the way God sustains and will strengthen us,” dagdag ng obispo.
Tiniyak nito na sa kabila ng pagpapasan sa krus ay may mga taong nakahandang umagapay tulad ng pagtulong ni Veronica at Simon kay Hesus noong naglakbay ito patungong kalbaryo pasan ang krus.
Ipinaalala rin ng Panginoon sa sangkatuhan na ang krus ay hindi lamang sumisimbolo sa suliranin at kahirapang nararanasan ng tao subalit ito ay sagisag ng walang hanggang pagmamahal ng Ama sa bawat isa.
“Even we fall carrying our cross God will lift us up. God will raise us up. He will lead us to our Easter Sunday, crowning us with glory. Thus, we are no longer victims but victors; no more virus but virtues,” dagdag ni Bishop Santos.
Sa pinakahuling tala ng mga otoridad umabot na sa isa punto limang milyong indibidwal sa buong mundo kabilang na ang halos apat na libong positibong kaso sa Pilipinas.
Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Santos ang bawat mamamayan na huwag mawalan ng pag-asa bagkus ay paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon upang tuluyang mapuksa ang pagkalat ng COVID 19.
“Jesus tells us, “come to me, all who are weary and heavy-laden, and I will give you rest” (Mt 11,28). So, don’t give up. Go to God. Don’t lose hope. Hold on to God. God, at the end of the day, heals. God will stop Coronavirus and we are saved.” Panawagan ni Bishop Santos