Cremation sa panahon ng COVID-19, pinahihintulan ng Simbahan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

March 28, 2020, 9:29AM

Nilinaw ng Simbahang Katolika na pinahihintulutan ang cremation ng mga yumaong mahal sa buhay kaakibat ng ibayong paggalang sa katawan ng tao.

Ayon kay Reverend Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs, may mga kondisyon ang simbahan bago at matapos ang pagsunog ng bangkay alinsunod na rin sa kautusan at napagkasunduan ng Simbahang Katolika.

“Before cremation, mass or blessing should be done for the deceased,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemic corona virus disease 2019 (COVID 19), malaking porsyento sa mahigit 27 libong kataong nasawi sa buong mundo ang sumailalim sa cremation para na rin sa kaligtasan ng iba lalo na ng pamilyang naiwan mula sa nakahahawang virus.

Sa kautusang inilabas ng Congregation for the Doctrine of Faith ng Vatican noong 2016, nilinaw ni Cardinal Gerhard Muller, ang Prefect ng tanggapan na bagamat mas kanais-nais ang paglilibing ng mga bangkay sa tradisyonal na pamamaraan, hindi naman isinasantabi ng simbahan ang cremation subalit mahigpit na ibinilin ang pag-iwas sa nakaugaliang pagtatapon ng abo sa iba’t ibang lugar.

Sinabi rin ni Fr. Secillano na dapat ilagay sa nararapat na lugar ang urna na pinaglagyan ng mga abo bilang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng katawan ng tao.

“After cremation, ashes should not be kept in houses or strewn anywhere, but must be placed in an urn to be interred,” saad pa ng opisyal ng CBCP.

Kaugnay dito mas hinikayat ni Cardinal Muller ang mananampalataya na gawin ang tradisyonal na paglilibing ng mga yumao sapagkat maituturing itong isang corporal works of mercy at paggunita sa paglibing ng Panginoong Hesus.

Nilinaw ni Fr. Secillano na nakahanda ang simbahan na mag-alay ng misa sa mga yumaong biktima ng COVID 19 bago mailibing o susunugin ngunit kung hindi maaari dulot ng usaping pangkalusugan maaring ang pamilya ang mag-alay ng mga panalangin sa namayapa at isasama na lamang sa mga pamisa ng Simbahan.

“In light of COVID 19, families’ of the deceased may either request for such blessing or mass but if it is physically impossible to do, they themselves may pray over the deceased and ask their pastor to include the eternal repose of the deceased in their mass intentions,” giit ni Fr. Secillano.

Sa pinakahuling tala mahigit kalahating milyon na ang bilang ng mga nagtataglay ng COVID sa halos 200 mga bansa kung saan 27-libo rito ang nasawi habang higit sa isandaang libo naman ang gumaling mula sa karamdaman.

Sa Pilipinas, 54 katao na ang nasawi sa pandemic.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,909 total reads

 1,909 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,594 total reads

 7,594 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,353 total reads

 45,353 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,623 total reads

 271,623 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,089 total reads

 165,089 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,746 total reads

 258,746 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top