3,991 total views
Suportado ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel ang panukalang batas na layong dagdagan ang buwanang pension ng Filipino veterans.
Ayon sa mambabatas nararapat lamang ang hakbang lalo’tito ay para sa kapakanan ng mga Pilipinong nanindigan at nakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa.
“I think the time is right to increase the pension. This is a no-brainer. We are talking about the disability pension of those who put their lives on the line to defend our sovereignty, territory and of course our quality of life,” bahagi ng pahayag ni Pimentel.
Ang Senate Bill No. 1480 o Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans ay isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security upang madagdagan ang tinatanggap na pension ng mga beterano gayundin sa kanilang may bahay.
Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act no. 6948 o ang Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Beneficiaries.
Kasalukuyang tumatanggap ng P1,000 hanggang P1, 700 ang Filipino Veterans at mga benepisyaryo kung saan ayon kay Pimentel napapanahon nang taasan ito lalo’t huli itong nagkaroon ng adjustment noong 1994.
Nakapaloob sa isinusulong na panukala na gagawing P4, 500 hanggang P10, 000 ang pensyon na tatanggapin ng mga beterano para makatulong sa kanilang pangangailangan.
Bukod pa rito ang P1, 000 para sa mga asawa at anak na wala pang asawa na medor de edad.
Una nang kinilala ng simbahang katolika ang mga hakbang ng pamahalaan na magdudulot ng kapakinabangan sa mamamayan.