2,452 total views
Inihayag ng Santo Papa Francisco na maging matibay ang pagmimisyon ng simbahan kung ito ay nakabatay sa mga gawi ng Panginoon.
Ayon sa santo papa bukod tanging si Hesus ang bukal ng buhay at biyayang maibabahagi sa kapwa na isang pundasyon ng matatag na lipunan at simbahan.
“A Church that evangelizes is entirely turned to God, the source of our salvation, and, at the same time, entirely engaged in a creative dialogue with the world, cooperating with the Lord’s gracious plan for the unity and peace of our human family,” ayon kay Pope Francis.
Ito ang pagninilay ng santo papa sa nagpapatuloy na katesismo hinggil sa missionary zeal ng bawat binyagan alinsunod sa Apostolic Exhortation ni Saint Paul VI na Evangelii nuntiandi.
Nasasaad sa dokumento na ang ebanghelisasyon ay pagsasabuhay sa ebanghelyo at paninindigan sa katotohanang inihahayag sa Mabuting Balita.
Una nang sinabi ni Pope Francis na ang pagiging misyonero ay hindi lamang gawain ng mga pari, madre at relihiyoso kundi ito ay tungkulin ng bawat binyagang kristiyano.
Sa Pilipinas pinalalakas ng bawat parokya ang mga programang nilalahukan ng mga layko upang mas maisulong ang pagmimisyon sa mga komunidad.
Nangunguna rito ang pagpayabong sa Basic Ecclessial Communities o mga BEC dahil dito nagsisimula ang pagpapahayag ng ebanghelyo sa magkakapitbahayan.
Sa mahigit 110-milyong populasyon sa Pilipinas 85 porsyento rito ay mga binyagang katoliko.