2,834 total views
Nanawagan sa pamahalaan si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na paghandaan ang panahon ng tag-init upang hindi maranasan ng mga magsasaka ang negatibong epekto nito.
Ayon sa Obispo, ito ay sa pamamagitan ng pangunguna sa mga programa o inisyatibong magbibigay ng trabaho sa mga magsasaka higit na sa mga nagtatanim sa mga kabundukan.
“Maaring tumulong Ang gobyerno Sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho Sa mga Tao Sa kabundukan upang magtanim ng binhi at paglilinis ng mga Basura,” mensahe ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Apela pa ng Obispo sa mamamayan tigilan ang paninira sa kalikasan upang hindi na lumalala pa ang climate change na palalalain ang epekto ng tag-init sa Pilipinas.
Isa sa mga ito ang gawain ng pagkakaingin o pagsusunog sa punong kahoy sa mga kagubatan at kabundukan at sa halip ay makiisa sa mga gawain ng pagtatanim ng puno.
Una ng nananawagan ang Federation of Free Farmers (FFF) ang sa pamahalaan na magsagawa ng climate at weather mapping upang matulungan ang mga magsasaka na maiayon ang kanilang mga pananim sa panahon.