2,044 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya sa isasagawang Lenten exhibit bilang pakikiisa sa paglalakbay ngayong mga Mahal na Araw.
Ayon kay Radio Veritas Religious Department Head Renee Jose ito ang hakbang ng himpilan upang samahan ang mananampalataya sa pagninilay sa mahahalagang araw ng kristiyanong pamayanan.
Tinuran nito na ito ang pagkakataong mas ipaalala sa tao ang kahalagahan ng paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na pinakatampok sa pananampalatayang Kristiyano
“This exhibit will hopefully help the faithful in their Lenten pilgrimage and strengthen their faith,” pahayag ni Jose sa Radio Veritas.
Isasagawa ang lenten exhibit sa April 1 hanggang 9 o sa kabuuang mga Mahal na Araw sa Fisher Mall Entertainment Center, Quezon City.
Tampok sa exhibit ang mga imahe ng Panginoong Hesus na naglalarawan sa Passion of Christ gayundin ang imahe ng Mahal na Birheng Maria kabilang na ang Mater Dolorosa.
Bukas sa publiko ang exhibit mula alas 10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi kung saan maari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa mga misa ng Radio Veritas sa alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali, alas sais ng gabi at alas dose ng hatinggabi.
“They can also send their prayer intentions and be one of our spiritual frontliners, which will be included in our daily masses,” ani Jose.
Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Jose sa telepono (02) 8925-7931 to 39 local 129, 131, 137 o mag-text sa 0917-631-4589.