Damayan kontra sa katiwalian, isasagawa ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,237 total views

Nagpahayag ng paninindigan at pakikiisa ang Diocese of Virac sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa moral renewal, integridad sa pamamahala, at pananagutan sa serbisyong publiko, sa gitna ng lumalalang usapin ng korapsyon sa lipunan.

Sa panibagong sirkular ni Virac Bishop Luisito Occiano, ipinahayag ng Obispo ang pakikiisa ng Simbahan ng Catanduanes sa buong Sambayanang Katoliko sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at paghiling ng katapatan mula sa mga lingkod-bayan.

“In the wake of growing public concern over rampant graft and corruption in various levels of society, our Diocese stands firmly united with the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) in its prophetic call for moral renewal, integrity in public service, and accountability in governance” Bahagi ng pahayag ni Bishop Occiano.

Nasasaad sa Circular No. 17, Series of 2025, ni Bishop Occiano ang pakikiisa ng Diyosesis ng Virac sa nakatakdang Trillion Million March na sabayan at malawakang pananawagan para sa pananagutan sa mga isyu ng korapsyon sa pamamagitan ng sabayang pagpapatunog ng kampana sa lahat ng mga Simbahan ganap na alas-dose ng tanghali sa Nobyembre 29–30, 2025.

Kasabay nito, darasalin sa lahat ng Misa sa araw ng Linggo, ika-30 ng Nobyembre, 2025 ang Oratio Imperata for Good Governance and Transparency bilang nagkakaisang panawagan ng Simbahan at pamayanan para sa katapatan, katarungan, at tapat na paglilingkod.

Hinikayat din ni Bishop Occiano ang mga mananampalataya na magrosaryo, ipanalangin ang nasabing mga intensyon sa harap ng Blessed Sacrament, bilang espirituwal na paghahanda at sama-samang paghingi ng biyaya para sa pagbabago sa pamahalaan at lipunan.

“We join the TRILLION PESO MARCH with all the dioceses nationwide as we ring all our church bells on November 29-30 at 12:00noon. We also pray the Oratio Imperata for Good governance and transparency in all our masses on Sunday. I also encourage everyone to recite a rosary and spend adoration before the blessed sacrament for this intention.” Dagdag pa ni Bishop Occiano.

Ibinahagi naman ni Bishop Occiano ang pagsasagawa ng diyosesis ng “Damayan Kontra sa Katiwalian” sa Nobyembre 29na hindi lamang magsisilbing pagtulong sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad kundi isa ring pagpapakita ng konkretong pagkakaisa sa pambansang adbokasiya at panawagan ng CBCP para sa good governance, moral accountability, at proteksyon ng mga mahihirap laban sa katiwalian.

“On November 29, our Diocese will conduct ‘Damayan Kontra sa Katiwalian’ is not simply a relief campaign to those affected by typhoons – it is our concrete expression of unity with the CBCP’s national advocacy for good governance, moral accountability, and the protection of the poor from corruption.” Ayon pa kay Bishop Occiano.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa pagsasabuhay ng pananampalataya at ng mga turo ni Kristo sa pamamagitan ng pagsusulong ng katapatan, pag-ibig sa kapwa, at pagprotekta sa kabutihan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 3,996 total views

 3,996 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 60,068 total views

 60,068 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 123,749 total views

 123,749 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 193,018 total views

 193,018 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,256 total views

 223,255 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 15,082 total views

 15,082 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top