Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dangal sa serbisyo publiko

SHARE THE TRUTH

 109,746 total views

Mga Kapanalig, sa Section 27 ng ating Konstitusyon, malinaw na sinasabi: “The State shall maintain honesty and integrity in the public service.” Kaya naman, ang ating mga lingkod-bayan—inihalal man o itinalaga sa kanilang posisyon—ay inaasahang laging ipagtanggol ang katotohanan at hindi masangkot sa pagkakalat ng kasinungalingan.

Bago mag-Pasko, naghain ng panukalang batas si Senador Risa Hontiveros na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga civil servants na mapatutunayang sangkot sa pagpilit sa mga saksing magsinungaling kahit pa sa korte. Kung magiging batas ang Senate Bill No. 2512, hindi na maaaring maging opisyal o kawani ng gobyerno ang mga pumipilit sa mga testigong magbigay ng mga gawa-gawang pahayag. Maaari din silang makulong nang hanggang anim na taon at pagbayarin ng isang milyong piso. 

Ayon pa sa senadora, ang pagpilit ng mga nasa gobyerno sa mga testigong maglubid ng buhangin, ‘ika nga, ay sumisira sa mga prosesong pangkatarungan ng ating bansa. Pinahihina ng ganitong baluktot na gawain ang paghahanap sa katotohanang tungkulin ng ating legal system. Ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lingkod-bayang magpakalat ng kasinungalingan, lalo na sa isang pagdinig, ay makatutulong na mapanatili ang integridad ng ating mga korte. Ibabalik din nito ang tiwala ng taumbayan sa ating sistemang pangkatarungan. Binibigyang-diin nitong walang puwang sa serbisyo publiko ang pagsisinungaling at katiwalian.

Napapanahon ang panukalang batas na ito lalo na’t sinasabing mga lingkod-bayan natin ang nasa likod ng hindi makatanungang pagpapakulong kay dating Senador Leila de Lima. Halos pitong taóng pinagkaitan ng kalayaan si Atty de Lima. Natapos ito nang sa wakas ay payagan siya ng korteng magpiyansa sa huling kasong isinampa laban sa kanya. Kasabay nito, sunud-sunod na bumaliktad sa kanilang mga testimonya ang mga ipinresentang testigo ng prosekusyon para sa mga gawa-gawang kaso laban sa pinakamatinding kritiko ng madugong giyera kontra giyera ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Naninindigan sina Atty de Lima, ang kanyang mga abugado, at mga tagasuportang kinuntsaba ng dating administrasyon ang mga testigo, na kinabibilangan ng mga nahatulang kriminal, upang iugnay ang dating senador sa kalakalan ng iligal na droga.

Kung totoo, halimbawa ito ng subordination of perjury o ang krimen ng pagkuha, panghihikayat o pagpilit sa ibang taong magbigay ng maling testimonya. Ang mga lingkod-bayang nasa likod ng ganitong krimen ay nagtataksil sa kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod nang buong katapatan. Kung hahayaan nating balewalain ng mga nasa gobyerno ang pagiging matapat at kung gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapakalat ng kasinungalingan upang paghigantihan ang mga itinuturing nilang kaaway, huwag na tayong umasang magiging tapat sila sa ating mga pinaglilingkuran nila.

Pinaaalalahanan tayong mga Kristiyano ni San Pablo na maging makatotohanan sa ating kapwa at iwasang magsinungaling, mandaya, at manloko. “Sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig,” wika sa Efeso 4:15, “tayo’y dapat maging lubos na katulad ni Kristo.” Mas malaki ang inaasahan natin sa mga pamahalaang maging tapat. Ang katesismo ng ating Simbahan ay nagsasabing papel ng estado—sa pamamagitan ng gobyerno—na ipagtanggol at itaguyod ang tinatawag na common good o ang kabutihang panlahat. Hindi ito nangyayari kapag umiiral ang kasinungalingan at, ang mas masaklap pa, kung gobyerno mismo ang bumabaluktot sa katotohanan. 

Mga Kapanalig, maliban sa mga batas na magpaparusa sa mga lingkod-bayang tumatalikod sa kanilang tungkuling maging matapat, tayo rin, bilang mga mamamayan, ay dapat na lumalaban sa kasinungalingan. Tuwing eleksyon, piliin natin ang mga tapat na kandidato. Ngunit kapag nanalo ang mga hindi tapat, huwag natin silang hayaang sirain ang dangal ng serbisyo publiko at kalabanin ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng pagsisinungaling at sadyang paninirang-puri.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 10,600 total views

 10,600 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 16,933 total views

 16,933 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 21,547 total views

 21,547 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 23,108 total views

 23,108 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 39,008 total views

 39,008 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 10,601 total views

 10,601 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 16,934 total views

 16,934 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 21,548 total views

 21,548 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 23,109 total views

 23,109 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 39,009 total views

 39,009 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 62,573 total views

 62,573 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 68,149 total views

 68,149 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 73,630 total views

 73,630 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 84,743 total views

 84,743 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 80,742 total views

 80,742 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 68,444 total views

 68,444 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 76,926 total views

 76,926 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,985 total views

 69,985 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 76,909 total views

 76,909 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 74,003 total views

 74,003 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top