Death penalty bills, tuluyan ng i-archives sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total reads

Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na iwaksi na ang death penalty sa bansa.

Sa halip, sinabi ng Obispo na dapat paigtingin ang justice system ng bansa at maging patas ang katarungan maging ano man ang antas ng pamumuhay.

“Ang pinakamahusay talaga ay pagalingin ang ating justice system, at yung paghuli, pagprisinta ng ebidensya, paglilitis, padaliin hindi yung nakalalamang ‘yung maykaya kaysa sa mga pipitsuging kriminal,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Mungkahi din ng Obispo ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa upang magkaroon ng kabuhayan ang bawat Filipino at hindi na matukso sa paggawa ng masama at gumamit pa ng karahasan para sa kanilang kabuhayan.

“Huwag na sanang ipilit pa ‘yang death penalty, paulit-ulit na lang tuwing may mangyayaring mabigat na krimen,” ayon pa sa Obispo.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ang ika-15th World Day Against Death Penalty na ang pangunahing layunin ay ipaalam sa publiko na hindi sagot sa paglala ng krimen ang parusang kamatayan lalu’t kalimitang biktima at nahahatulan ay pawang mga mahihirap.

Isang misa naman ang idinaos sa CBCP Chapel sa Intramuros Manila na pinangunahan ni Fr. Silvino Borres, SJ ang pangulo Coalition Against Death Penalty (CADP) at Rector ng Loyola House of Studies.

Base naman sa tala, 98 bansa na sa buong mundo ang hindi na nagpapatupad ng parusang bitay.

Sa Pilipinas, pumasa na sa huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang death penalty bill na pinaboran ng may 217 mambabatas, habang nananatili pa ring nakabinbin ang usapin sa Senado.

Iginiit pa ng Obispo na ang buhay ng tao ay napakahalaga.

“Ang buhay ng tao ay napakahalaga, at tandaan natin habang may buhay may pag-asa at ngayon natatanto na hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang panig ng mundo na ang death penalty ay hindi talagang solusyon para matapos ang karahasan, kundi mas nakadagdag pa nga iyan sa atmosphere ng karahasan sa isang bansa.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,694 total reads

 56,694 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,962 total reads

 135,962 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,407 total reads

 169,407 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,705 total reads

 204,705 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,935 total reads

 428,935 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,708 total reads

 16,708 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top