Death penalty, di maaaring ipatupad- CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total views

Hindi maaaring ipatupad muli ang parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Karen Gomez-Dumpit, ito’y dahil sa legal na dahilang nakalagda ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of the death penalty.

Sinabi ni Dumpit, sa kasunduan nangako ang Pilipinas na aalisin nito ang parusang bitay na ginawa naman noong 2006.
“Legally we are duty bound not to impose death penalty of death already because we signed on to the second optional protocol to the civil and political rights convention aiming at the abolition of the death penalty, and what we promised is we will eradicate or abolish this which we did. The law prohibiting the imposition of the death penalty that was passed on June 24, 2006 actually paved the way for the optional protocol to be signed and ratified by the Philippines, so legally hindi puwede,” pahayag ni Dumpit sa panayam ng Radyo Veritas sa programang Veritas Pilipinas.

Iginiit ng CHR commissioner na ang paglagda sa nasabing kasunduan ay patunay na hindi na ipatutupad ang capital punishment dahil ang lahat ay may karapatang pantao at karapatang magbagong buhay at ang katarungan ay hindi siyento porsyentong nakakamit ng biktima.

“Siyempre ang magandang garantiya na hindi na nila gagawin yun ay ang signing on to the second Optional Protocol on civil and political rights, and the abolition of the death penalty…the death penalty issue is really a bundle of rights that are involved beneath fair trial guarantees na sinabi nga natin hindi perfect ang justice system and there are infirmities on due process na ginawa o hindi nabigyan ng due process or yung cruel and unusual punishment of death is really something that is irreversible,” ayon pa kay Dumpit.

Kaugnay nito, ayon kay Dumpit sakaling simulan na ang pagbabalik ng death penalty sa bansa, dito sila kikilos kasama ang iba’t-ibang human rights group para iprisinta ang mga lalabagin nila sa nasabing kasunduan.
“When the time comes that this proposal is on the table we will present our position and let them know of the consequences if they will pass it,” ayon pa sa CHR commissioner.

Samantala, dumalo si Dumpit sa 6th World Congress Against Penalty nitong June 21 hanggang 23 sa Oslo Norway kung saan dito nililinaw ang kahalagahan ng buhay at ng karapatang pantao maging ng mga nahatulan.

Ayon kay Dumpit, binigyang diin sa pagtitipon na minsan biktima rin ang mga tinatawag na kriminal dahil sa pagiging ‘imperfect’ ng sistema ng katarungan.

“Yung mga natutunan natin dun is really just an affirmation of what we already know na ang death penalty ay hindi deterrent, ito po ay napaka cruel na punishment sa isang tao na puwedeng magbago at ang isang tao na base sa ating karanasan most likely ay mahirap na hindi naka put-up ng proper descent at may mga infirmities sa kanyang pag-amin sa krimen kasi hindi naaayon sa tamang paraan ng pag-iimbestiga at paghuli sa isang suspek at marami all over the world even in the most sophisticated justice system, ang justice system natin is imperfect, very hard to convict somebody with 100% accuracy assuming that they are guilty but even if they are…” ayon pa sa CHR commissioner.

Ginaganap ang World Congress Against Death Penalty kada ikatlong taon at nang magsimula ito 18 taon na ang nakalilipas pitong mga bansa lamang ang nagtanggal ng parusang bitay na ngayon ay umabot na sa 140.

Sa social doctrine of the Church, ang kapatawaran pa rin ang dapat manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen lalo na at hindi rin ito akma sa Christian values at nananatili ang Simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “Thou shall not kill.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,350 total views

 23,350 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 59,140 total views

 59,140 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 101,032 total views

 101,032 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,413 total views

 154,413 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 179,693 total views

 179,693 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 13,657 total views

 13,657 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 232,238 total views

 232,238 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top