Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Death penalty, isang sociological sin.

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang makapagnilay sa kahalagahan ng buhay.

Ito ang naging pahayag ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico kaugnay sa naipasang House Bill 4727 o Death Penalty Bill sa huling pagbasa nito sa Kongreso kahapon.

Ayon kay Bishop Bendico, ang kasalanan ay hindi lamang usaping pang – indibidwal kundi mayroon ring kasalanang sosyolohikal tulad na lamang pagsusulong ng parusang bitay na nakakaapekto sa lipunan lalo sa mga mahihirap.

“In terms of that, that sin is not only something between you and your God. There is social dimension to sin and that is in the way that we relate ourselves with others. And sometimes, in the way we relate ourselves with others, we affect the home, community, we affect the whole society, and so only the death penalty is an issue that we really have to fight, that we really have to give a proper guidance and the part of the people because the church is more on life and that is the very essence of why we celebrate the Lenten season.”pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa pa rin si Bishop Bendico na makikita ng taumbayan at ng ating mga mambabatas ang kahalagahan ng buhay na kaloob ng Diyos lalo na ng ito ay muling mabuhay sa ikatlong araw matapos itong parusahan ng kamatayan sa Krus.

“Ito namang death penalty na isyu, well, that would not bring us to somewhere in… In other words, we do away with that in order that we will be able to give more due importance to what life is as brought about by the risen Lord which is the resurrection.”Giit pa ni Bishop Bendico sa Veritas Patrol.

Samantala, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagbuhay ng parusang kamatayan.

Nauna rito, naglabas rin ng liham si Catholic Bishops Conference of the Philippines at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas upang ipanawagan sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdarasal ang mga mambabatas na sila ay maliwanagan sa kanilang pagpabor sa nasabing parusang bitay.(Romeo Ojero)

Read: http://www.veritas846.ph/license-to-kill/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,893 total views

 10,893 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,993 total views

 18,993 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,960 total views

 36,960 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,274 total views

 66,274 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,851 total views

 86,851 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 7,850 total views

 7,850 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top