NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,192 total views

Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category.

Dinaig ng NTC ang pitong (7) agency nominees para sa FOI Champion mula sa186 NGAs na nasa eFOI portal.

Sa tatlong (3) sunod na taon, kinilala ang NTC bilang consistent Top Performing Agency sa FOI Program Implementation maging ang kanilang FOI Officer ay consistently awarded.

Ngayong taon, isang Plaque of Appreciation ang muling iginawad sa NTC bilang isa sa Top Requested and Performing Agencies na may 1000 above requests at mayroong 90% closed transactions sa eFOI portal.

Ipinagkaloob din kay NTC FOI Officer Ms. Divina N. Daquioag ang Special Citation Award, FOI Program Director’s Award at Grace Under Pressure Award sa pagiging isa sa pitong Best FOI Officers mula sa 4,322 FOI Officers na itinalaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tumanggap ng award mula kay PCOO Undersecretary Kristian R. Ablan sina Ms. Divina N. Daquioag, NTC FOI Officer II, Atty. Ricardo Casimiro, ng NTC Region 9, Atty. Alan Felix Macaraya, Jr. ng NTC Region 7, Engr. Nelson C. Daquioag, OIC Director ng NTC Region 2, Ms. Sophia Lynn Lumantod, OIC Director ng NTC Region 7.

Inihayag naman ni NTC Commissioner Cordoba na patuloy na isusulong ng ahensiya ang transparency at mabilis at maasahang serbisyo.

Pinasalamatan ni Cordoba ang lahat ng NTC Branch at Regional Directors, at FOI Officers sa buong bansa sa pagtalima sa isinusulong na programa ng FOI.

PinapurIhan din nito ang Regulation Branch ng NTC sa pagiging top requested branch na matagumpay na nakasunod sa lahat ng requested information.

Idinagdgag ni Cordoba na patuloy na susuportahan ng NTC ang pagpasa sa FOI Bill na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,755 total views

 46,755 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,837 total views

 79,837 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,188 total views

 108,188 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,920 total views

 175,920 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 195,818 total views

 195,818 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top