Kaugaliang Filipino, ipapamalas ng bagong Philippine ambassador sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Ipagpatuloy ng bagong kinatawan ng Pilipinas sa Vatican ang mga programa na makatutulong sa mga Filipino sa lugar.

Ito ang mensahe ni Philippine Ambassador to the Holy See Myla Grace Macahilig nang pormal itong magsumite ng credentials sa Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa panayam ni Radio Veritas Vatican Correspondent Fr. Angelito Cortes, OFM tiniyak ni Macahilig ang matapat na paglilingkod alinsunod sa panawagan ng Santo Papa na ‘respect humanity’.

“As a new ambassador, I intend to build on the works that have been done and perhaps highlight all the more yung mga bagong issues that are coming,” pahayag ni Macahilig sa Radio Veritas.

Nagagalak din ang opisyal sa pagkatalagang kinatawan ng Pilipinas sa Vatican makalipas ang mahigit dalawang dekadang panunungkulan sa Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni Macahilig na bukod sa paglilingkod sa mga Filipino migrants magandang pagkakataon din ang paninilbihan nito lalo na sa pananampalatayang katoliko.

Tiniyak ng opisyal ang pagpapamalas ng kaugalian ng mga Filipino sa paglilingkod sa embahada ng Pilipinas sa Vatican at pagiging katuwang na misyonero ng simbahan sa kanyang larangan.

“I hope we will be able to serve yung immediate community natin dito and to represent the Philippines and the Filipino people in the best way we can,” ani Macahilig.

Panawagan din nito ang pagtutulungan upang higit na mapaglingkuran at matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa ibayong dagat.

“Kailangan natin magtulungan in all things, we may not always see eye to eye 100-percent on all issues but definitely there are core values and core principles,” saad pa ni Macahilig.

Paiigtingin ng opisyal ang ugnayan ng dalawang bansa lalo’t ipinagdiriwang nito ang ika – 70 anibersaryo ng diplomatic relations.

November 20 nang magsumite ng credentials si Macahilig kay Pope Francis kabilang na ang sculpture ni San Lorenzo Ruiz, ang unang Filipinong santo.

Bukod sa ilang opisyal na dumalo sa pagtitipon bilang pagsalubong sa bagong kinatawan ng Pilipinas sa Vatican dumalo rin si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, ang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,489 total reads

 22,489 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,113 total reads

 59,113 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,383 total reads

 285,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,850 total reads

 178,850 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,676 total reads

 271,676 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top