Pagsuporta ng gobernador sa Kaliwa dam project, kinundena

SHARE THE TRUTH

 808 total views

Patuloy na naninindigan ang Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA) laban sa pagtatayo ng New Centennial Water Source o Kaliwa Dam Project sa Sierra Madre Mountain Range.

Ayon kay SSMNA Chairperson at Franciscan Priest Father Pete Montallana, nagpapatuloy pa rin ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubong naninirahan sa Kaliwa River Watershed na pagtatayuan ng dam.

Giit ni Fr. Montallana na malaki ang mawawala sa kalikasan kapag itinayo ang Kaliwa Dam hindi lamang dahil sa maidudulot nitong malawakang pinsala sa kagubatan ng Sierra Madre, kundi bunsod na rin ng pagpapaalis sa mga katutubo.

“Ang Kaliwa Dam ay magdi-displace ng maraming katutubo sa kanilang ancestral lands. Ito po ay isang malaking kasalanan natin kung matuluyan silang ma-displace kasi I think, we have to realize that the people who are formed by God to protect the environment, unang-una sa lahat ay ang mga katutubo,” pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, dismayado naman ang mga katutubong Agta sa pagpanig ni Quezon Governor Danilo Suarez sa pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Sinabi ni Agta Tribe Chieftain Ramsey Astrovera, commissioner ng National Commission on Indigenous Peoples na bagamat nagbigay ng pahintulot ang lokal na pamahalaan sa proyekto ay patuloy ang paninindigan ng mga katutubo laban dito.

Dagdag pa ng mga katutubo na ang naging desisyon ng gobernador ang unti-unting pumapatay sa buhay at kabuhayan ng mga katutubo.

Hulyo nang kasalukuyang taon nang pumanig sa Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) si Suarez hinggil sa pagtatayo sa Kaliwa Dam dahil pinangakuan itong kikita ng 800-milyong piso ang kapitolyo sa proyekto.

Taong 2012 nang imungkahi ng pamahalaan ang pagtatayo ng P19-bilyong Kaliwa Dam sa ilalim ng kontrata ng Chinese Energy at MWSS na sinasabing makakatulong upang mabawasan ang kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Nauna nang nabanggit ni Fr. Montallana na ang krisis sa tubig sa kalakhang Maynila ay hindi dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng suplay, kundi dahil sa maaksayang paggamit ng mga residente dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,103 total views

 3,103 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,913 total views

 40,913 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,127 total views

 83,127 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,658 total views

 98,658 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,782 total views

 111,782 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,076 total views

 15,076 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top