Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mamamayan, ipinagdarasal ni Bishop Santos sa phreatic eruption ng bulkang Pinatubo

SHARE THE TRUTH

 438 total views

Ipinapanalangin ni Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos ang kaligtasan ng lahat kaugnay sa phreatic eruption ng Bulkang Pinatubo.

Ayon kay Bishop Santos, bagamat nasa Zambales ang lokasyon ng Mount Pinatubo, mas ramdam ang usok mula sa mahinang pagsabog nito sa bahagi ng Pampanga.

“Siguro on our side, yung side ng Zambales kasi napakalaki naman ng Pinatubo para malaman ang effect nito…hindi nila binanggit ang Zambales kasi sobrang laki nun. Kumbaga ‘yung crater, magkabilang-dulo e malayo naman ‘yung side ng Zambales,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na mayroong mission station sa Buhawen, San Marcelino, Zambales na nakatalaga kay Santa Barbara na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Disyembre 4.

Dalangin ni Bishop Santos na nawa sa pamamatnubay ni Santa Barbara ay maligtas sa anumang pinsalang maidudulot ng bulkan ang mga lalawigang kinasasakupan.

“We pray to her to intercede to protect us from the destruction of the volcano,” dalangin ng obispo.

Batay sa ulat ng Pinatubo Volcano Network, naitala noong Martes ang mahinang pagsabog ng bulkan bandang alas-12:09 hanggang 12:13 ng hapon.

Samantala, pinag-iingat naman ang publiko na iwasan muna ang pagpunta sa mga lugar na nasasakupan ng bulkang Pinatubo bilang pag-iingat sa mga susunod na aktibidad ng bulkan.

Magugunita noong Hunyo 15, 1991, 30 taon na ang nakalipas nang sumabog ang Bulkang Pinatubo na tinaguriang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa nakalipas na 100 taon.

Nag-iwan ito ng 800-kataong nasawi at pinsala sa buong Central Luzon na umabot ng ilang taon bago muling maisaayos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,651 total views

 5,651 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,635 total views

 23,635 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,572 total views

 43,572 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,770 total views

 60,770 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,145 total views

 74,145 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 15,840 total views

 15,840 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 41,438 total views

 41,438 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top