Delicadeza at konsensiya, gamitin sa pagboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Nananawagan si Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo sa mga botante na huwag magpadala sa popularidad ng kandidato kundi sa moralidad.

Ginawa ni Bishop Arigo ang panawagan kaugnay sa patuloy na pangunguna ni presidential candidate Rodrigo Duterte sa survey sa pagka – pangulo.

Binatikos ng Obispo si Duterte matapos kumalat ang kanyang video na may pabirong pahayag tungkol sa usapin ng rape.

Laman nito ang kwento ng alkalde tungkol sa pangho-hostage at panggagahasa sa mga dayuhan ng isang grupo ng mga preso sa Davao noong 1989.

“Tinuturuan namin ang mga tao na maging choosy huwag magpadala sa popularity and then yung character ng tao. Nasaan na yung ating moral sense, nasaan na yung delicadeza natin. Parang wala na tayong sense ng right and wrong, parang wala na tayong konsensiya,” pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.

Hinimok nito ang mga botante na magkaroon ng delikadeza sa pagboto at paiiralin ang kanilang konsensya sa ihahalal na pangulo ng bansa na magiging halimbawa sa lahat lalo na sa mga kabataan.

“And we are supporting a candidate na very na talagang openly sinasabi niya na napakasamang example sa mga bata. Alam ng mga bata na dalawa asawa niyan, tatlong girlfriend niyan. Pagkatapos gagawing hindi naman joke yung kanyang statement sa rape. Kapag ganoon ang character ng isang tao yung sense of decency wala. How much more kung walang sense of morality yan pagkatapos gagawin mong presidente ng Pilipinas. Yung value system natin totally errorless it is very sad,” giit pa ni Bishop Arigo sa Radyo Veritas.

Nauna na rito pinuna rin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang karakter ni Duterte na nagpapakita ng mababa nitong pagpapahalaga sa mga kababaihan at moralidad. Sa gitna naman ng isyu na kikaharap ni Duterte nanguna pa rin ito sa pinakabagong pre – election survey ng Social Weather Station o SWS sa pagka – pangulo.

See Duterte, karapat-dapat bang maging Pangulo?

Nakakuha ang alkalde ng Davao ng 33 porsyento sa mahigit 1800 respondents sa buong bansa.(Romeo Ojero II)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 24,380 total reads

 24,380 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,980 total reads

 110,980 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,719 total reads

 157,719 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,591 total reads

 205,591 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 308,339 total reads

 308,339 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,211 total reads

 312,211 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,582 total reads

 418,582 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top