Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Demand sa droga hindi lang supply ang dapat tutukan

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Mga Kapanalig, ipinagmalaki kamakailan ng Philippine National Police ang umano’y matagumpay na kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot. Nabawasan na raw kasi ng 90 porsyento ang supply ng iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng halos tatlong buwan simula nang manungkulan si Pangulong Duterte. Sa larangan ng economics, ang “supply” ay tumutukoy sa dami ng produktong ipinagbili ng mga producers.

At paano raw naibabâ ang supply ng droga sa bansa? Hindi na naman lingid sa ating kaalaman na marami sa mga nasasangkot sa pagtutulak ng droga ang tinugis sa pamamagitan ng maituturing na extra-judicial killing. Tinutuligsa ang kalakarang ito ng iba’t-ibang grupo, kasama ang Commission on Human Rights at ang Simbahang Katolika, na naglalayong isulong ang karapatan sa buhay, kahit na ng mga pinaghihinalaang drug pushers at users. Sagrado ang buhay, at wala sa ating mga kamay ang magpasyang bawiin ito. Nakalulungkot lamang na mistulang walang bahid ng pagkabahala ang PNP nang ibinalita nitong tinatayang mahigit na sa 3,000 kataong may kinalaman sa pagpapalanap ng ipinagbabawal na gamot ang napatay.

Sabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa isang pagdinig sa Senado, umaasa siyang sa loob ng anim na buwan, wala nang papasok na malaking supply ng droga mula sa ibang bansa. Sa pagkawala ng supply, mababawasan din daw ang demand para sa masamang droga. Kung ang “supply” ay may kinalaman sa mga produktong handang ibenta ng mga producers, ang “demand” naman ay ang dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
Law of supply and demand. Iyan po ang prinsipyong tinutungtungan ng PNP upang sugpuin ang problema sa droga sa bansa. Kung wala na nga namang magtutulak, wala nang mabibili. At kung wala nang mabibili, wala na ring bibiling mga adik.

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng produktong binawasan ng supply ay nabawasan din ng demand. May mga produktong kahit na mababa ang supply, nananatili pa ring mataas ang demand. Halimbawa nito ay mga pangunahing bilihin gaya ng bigas. Hindi automatic na kapag mababa ang supply ng bigas, bababa na rin ang demand dito. Ang isa pang grupo ng mga produktong may ganitong uri ng katangiang pankonsumo ay ang sigarilyo, alak, at droga. Ito ay mga produktong may kinalaman sa addiction—ibig sabihin, kahit pa bawasan ang supply, hindi mababawasan ang demand. Tataas pa nga ang presyo ng droga, kaya’t kikita pa ang mga drug lords at drug cartels.

Ang kailangan ay pangmatagalang solusyon, at nakikita natin ito hindi sa pagpilay lamang sa supply kundi sa pamamagitan ng pagtugon sa mga sitwasyon at kundisyong nagtutulak sa mga taong malulong sa droga at kumapit sa patalim. At tayo pong mga bumubuo ng Simbahan, lalo’t higit ang mga layko, ay hinihimok na makibahagi s pagbawas sa demand—ang tulungan ang mga lulong sa droga na unti-unting iwan ang paggamit nito at ang paliwanagan ang ating kapwa, lalo na ang kabataan, tungkol sa kung paano sinisira ng droga ang kanilang buhay.

Ang pagtulong nating mabawasan ang demand sa droga ay nakatungtong sa isang mahalagang prinsipyo ng panlipunang katuruan ng Simbahan: ito po ay ang prinsipyo ng solidarity, ang pagkilalang tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.

Mga Kapanalig, bilang mga Kristiyano, tayo ay inuudyukan ng ating pananampalataya na kumilos, hindi lamang upang tiyaking ligtas mula sa anumang kapahamakan ang ating sarili at pamilya, kundi upang magsulong ng mga alternatibo sa marahas na pagtugon sa problema ng droga. Hindi sapat na tutulan ang madugong digmaan sa droga; makibahagi po tayo sa pag-udyok sa pamahalaan at sa mga institusyong gaya ng mga paaralan at ng simbahan na palakasin ang mga programang pang-rehabilitasyon at edukasyon tungkol sa masamang dulot ng droga.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,454 total views

 16,454 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,554 total views

 24,554 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,521 total views

 42,521 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,741 total views

 71,741 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,318 total views

 92,318 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,455 total views

 16,455 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 24,555 total views

 24,555 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,522 total views

 42,522 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,742 total views

 71,742 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 92,319 total views

 92,319 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,849 total views

 85,849 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,630 total views

 96,630 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,686 total views

 107,686 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,548 total views

 71,548 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,977 total views

 59,977 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,199 total views

 60,199 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,901 total views

 52,901 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,446 total views

 88,446 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,322 total views

 97,322 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,400 total views

 108,400 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top